Mag-report ng mga paglabag

Nagbibigay ang article na ito ng overview kung paano mag-report ng mga posibleng paglabag sa Mga Alituntunin at Mga Tuntunin ng Serbisyo ng X.

 
Paano direktang mag-report mula sa isang post, Listahan, o profile

Puwede kang direktang mag-report mula sa isang indibidwal na post, Listahan, o profile para sa ilang partikular na paglabag, kasama ang: spam, mapang-abuso, o mapaminsalang content, mga hindi angkop na ad, pananakit sa sarili, at pagpapanggap. Para sa impormasyon tungkol sa pagre-report ng iba pang uri ng paglabag, basahin ang seksyong Paano mag-report ng mga partikular na uri ng mga paglabag sa ibaba.


Paano mag-report ng mga indibidwal na post dahil sa mga paglabag:

Alamin kung paano mag-report ng mga post, Listahan, o Direktang Mensahe dahil sa mga paglabag.


Paano mag-report ng media dahil sa mga paglabag:

Alamin kung paano mag-report ng mga post para sa media, and basahin ang patakaran sa media ng X.

 

Paano mag-report ng mga profile dahil sa mga paglabag:

  1. Buksan ang profile na gusto mong i-report.
  2. Piliin ang icon ng overflow 
  3. Piliin ang Iulat at pagkatapos ay piliin ang uri ng isyu na gusto mong iulat.
  4. Kung pipiliin mo ang Mapang-abuso o nakakapinsala ito, hihingan ka namin ng karagdagang impormasyon tungkol sa isyung iniuulat mo. Posible rin naming hilingin sa iyo na pumili ng mga karagdagang post mula sa account na nire-report mo para magkaroon kami ng mas magandang konteksto para suriin ang report mo.
  5. Isasama namin ang text ng mga post na ni-report mo sa aming mga follow-up email at abiso sa iyo. Para mag-opt-out na makatanggap ng ganitong impormasyon, paki-uncheck ang kahon sa tabi ng Puwedeng ipakita ng mga update tungkol sa report na ito ang ganitong mga post.
  6. Kapag naisumite mo na ang report mo, magbibigay kami ng mga rekomendasyon para sa mga karagdagang aksyon na puwede mong gawin para mapahusay ang kasanasan mo sa X.
 


Paano mag-report ng partikular na content sa isang Sandali
 

Paano mag-report ng post sa isang Sandali dahil sa mga paglabag:

  1. Mag-navigate sa post sa loob ng Sandali na gusto mong i-report. 
  2. I-click o i-tap ang icon na .
  3. I-click o i-tap ang I-report ang post.
  4. Piliin ang uri ng isyu na gusto mong i-report sa amin.
  5. Kapag naisumite mo na ang report mo, magbibigay kami ng mga rekomendasyon ng mga aksyon na puwede mong gawin para mapahusay ang karanasan mo sa X.
     

Paano mag-report ng Mga Sandali para sa mga paglabag:

Depende sa uri ng paglabag na ini-report mo, maraming paraan para mag-report ng Sandali. Nasa ibaba ang isang listahan ng mga uri ng mga paglabag na posible mong makita:

Kapag natukoy mo na ang uri ng paglabag na kailangan mong iulat, sundin ang mga tagubilin sa ibaba.

  1. Pumili ng isa sa mga form na nakalista sa itaas.
  2. Ilagay ang URL ng Sandali na gusto mong iulat.
  3. Magbigay sa amin ng hanggang 5 post sa loob ng Sandali na posibleng may paglabag.
  4. Kapag naisumite mo na ang report mo, magbibigay kami ng mga rekomendasyon ng mga aksyon na puwede mong gawin para mapahusay ang karanasan mo sa X.
 


Paano mag-report ng isang X Space o tao sa isang Space

Kung sa palagay mo ay lumalabag sa Mga Alituntunin at patakaran ng X ang isang Space o isang tao sa isang Space, puwede mo itong i-report. Puwedeng mag-report ang mga tagapagsalita at tagapakinig ng Space at anumang account na nasa isang Space. 

Paano mag-ulat ng Space para sa mga paglabag:

  1. Habang nasa Space, i-tap ang icon ng overflow .
  2. I-tap ang Iulat ang Space na ito.
  3. Piliin ang uri ng isyu na gusto mong iulat sa amin.
  4. Kapag naiulat mo na ang Space, magkakaroon ka ng opsyong umalis o manatili.
     

Paano mag-report ng account dahil sa mga paglabag:

  1. Habang nasa Space, mag-tap sa larawan sa profile ng account.
  2. I-tap ang I-report.
  3. Piliin ang uri ng isyu na gusto mong i-report sa amin.
  4. Kapag na-report mo na ang account, magkakaroon ka ng opsyong umalis o manatili sa Space.
 


Paano mag-report ng produkto

Kung sa palagay mo ay lumalabag ang isang produkto ng isang merchant sa X sa aming Mga Patakaran sa Pamimili, puwede mo itong direktang i-report mula sa X para sa iOS o Android App.

Paano mag-report ng product mula sa isang Shop Spotlight :

  1. Habang nasa profile ng merchant, hanapin ang Shop Spotlight.
  2. Pindutin ang icon na higit pa  sa produktong gusto mong i-report.
  3. Pindutin ang I-report ang produkto. 
  4. Pindutin ang Paglabag sa intellectual property kung nagre-report ka ng produkto dahil sa mga isyu sa mga karapatan sa intellectual property. Kakailanganin mong ilagay ang ID ng produkto. Puwede ka ring direktang magsumite ng paglabag sa intellectual property rito.

    Pindutin ang Iba pang paglabag kung nagre-report ka ng isang produkto dahil sa ibang paglabag. 

 

Paano mag-report ng produkto mula sa isang Shop sa X:

  1. Mula sa Shop sa X, mag-navigate papunta sa produktong gusto mong i-report. 
  2. Pindutin nang matagal ang tile ng produkto hanggang sa lumabas ang button na iulat ang produkto.
  3. Pindutin ang I-report ang produkto. 
  4. Pindutin ang Paglabag sa intellectual property kung nagre-report ka ng produkto dahil sa mga isyu sa mga karapatan sa intellectual property. Kakailanganin mong ilagay ang ID ng produkto. Puwede ka ring direktang magsumite ng paglabag sa intellectual property rito.

    Pindutin ang Iba pang paglabag kung nagre-report ka ng isang produkto dahil sa ibang paglabag. 
 


Paano mag-report ng mga partikular na uri ng mga paglabag
 

Binabalangkas ng impormasyon sa ibaba ang mga uri ng mga paglabag na puwede mong i-report sa amin sa pamamagitan ng aming Help Center.

Tandaan: Kapag nagre-report ng mga posibleng paglabag sa Mga Alituntunin ng X at Mga Tuntunin ng Serbisyo sa pamamagitan ng Help Center, posibleng hilingin sa iyo na payagan kaming magbahagi sa mga third party ng ilang bahagi ng report mo, gaya ng naapektuhang account.

 


Paano mag-report para sa ibang tao
 

Puwede kang mag-report ng mga paglabag para sa ibang tao. Sumangguni sa mga kategorya at tagubiling nakalista sa itaas o makipag-ugnayan sa amin para isumite ang report mo. Puwede ka ring direktang mag-report mula sa isang post o profile (tingnan ang seksyon na Paano direktang mag-report mula sa isang post, Listahan, o profile).

 

Timeframe sa pagtugon

 

Nagpapadala ang X ng abiso ng pagtanggap sa mga maayos na naisumiteng report sa loob ng 24 na oras. Bagama't karaniwang nalulutas ang mga report sa loob ng ilang araw, nag-iiba-iba ang mga tagal ng paglutas at posibleng tumagal nang 30 araw para magkaroon ng solusyon batay sa mga salik na madalas na wala sa kontrol ng X, gaya ng pangangailangan ng input ng user at kung pinili ng user na umapela.

Ibahagi ang article na ito