Paano i-deactivate ang iyong account

Gusto mo bang magpahinga muna sa X? Naiintindihan namin. Minsan, magandang magpahinga sandali mula sa lahat ng nangyayari. O kung plano mong tumigil na nang tuluyan, puwede ka rin naming matulungan. Sundin ang sunod-sunod na tagubilin sa kung paano i-deactivate—o i-delete—ang iyong X account.

Tandaan: Kung may isyu ka sa account (hal. mga nawawalang postmaling dami ng tagasunod o sinusundanmga kahina-hinalang Direktang Mensahe o posibleng pagkakompromiso ng account), hindi ito malulutas ng pag-deactivate at pag-reactivate ng account mo. Mangyaring sumangguni sa aming mga artikulo sa pag-troubleshoot o makipag-ugnayan sa Suporta sa X.

 

Pag-deactivate vs pag-delete sa Twitter account mo

Ang pag-deactivate sa iyong Twitter account ang unang hakbang sa permanenteng pag-delete sa account mo. Tumatagal nang 30 araw ang pag-deactivate. Kung hindi mo ia-access ang iyong account sa loob ng 30 araw na panahon ng pag-deactivate, ide-delete ang iyong account at hindi na iuugnay ang username mo sa iyong account.
 

 

Pag-deactivate sa Twitter account mo

Sinisimulan ng pag-deactivate ang proseso para permanenteng i-delete ang iyong Twitter account. Sinisimulan ng hakbang na ito ang 30 araw na palugit na magbibigay sa iyo ng panahong magpasya kung gusto mong i-reactivate ang iyong account.

Sa pag-deactivate sa Twitter account mo, hindi makikita ang username (o “handle”) at pampublikong profile mo sa twitter.com, Twitter para sa iOS, o Twitter para sa Android. 
 

 

Pag-delete sa Twitter account mo

Pagkatapos ng iyong 30 araw na palugit sa pag-deactivate, permanente nang ide-delete ang iyong Twitter account. Kapag hindi ka nag-log in sa iyong account sa loob ng 30 araw na palugit, ipinapaalam nito sa amin na gusto mo nang permanenteng i-delete ang iyong Twitter account. Kapag na-delete na ang iyong account, hindi na magiging available sa aming mga system ang account mo. Hindi mo na mare-reactivate ang dati mong account at wala ka nang access sa anumang dating Tweet.

Kapag na-delete na ang iyong account pagkalipas ng 30 araw na palugit sa pag-deactivate, magiging available na ang username mo para sa pagpaparehistro ng iba pang Twitter account.

 

Mga nangungunang bagay na dapat malaman bago i-deactivate ang account mo

Narito ang ilang bagay na dapat tandaan kung magpasya kang i-deactivate o i-delete ang Twitter account mo:

  • Hindi ide-delete ng pag-delete sa Twitter account mo ang iyong impormasyon mula sa mga search engine gaya ng Google o Bing dahil hindi kontrolado ng Twitter ang mga site na iyon. May mga hakbang na puwede mong gawin kung makikipag-ugnayan ka sa search engine.
  • Kapag na-deactivate mo ang Twitter account mo, mananatili pa rin ang mga pagbanggit sa username ng account mo sa mga Tweet ng iba. Pero hindi na ito magli-link sa profile mo dahil hindi na available ang profile mo. Kung gusto mong ipasuri ang content sa ilalim ng Mga Patakaran sa Twitter, puwede kang mag-file ng ticket dito.
  • Hindi mo kailangang i-delete ang iyong account para palitan ang username o email na nauugnay sa Twitter account mo. Pumunta sa Impormasyon ng account para i-update iyon anumang oras.
  • Agad na mare-restore ang iyong account kung magla-log in ka sa loob ng 30 araw na palugit sa pag-deactivate.
  • Kung gusto mong i-download ang iyong data sa Twitter, kakailanganin mo itong hilingin bago mo i-deactivate ang iyong account. Hindi aalisin ng pag-deactivate sa iyong account ang data sa mga system ng Twitter.
  • Puwedeng panatilihin ng Twitter ang ilang impormasyon sa na-deactivate mong account para matiyak ang kaligtasan at seguridad ng platform nito at mga taong gumagamit ng Twitter. Makikita rito ang higit pang impormasyon.
     

Kung nagkakaproblema ka sa pamamahala ng iyong Twitter account, tingnan ang mga tip na ito para sa pamamahala ng mga karaniwang isyu bago magpasyang i-delete ang iyong Twitter account.

 
Paano i-deactivate ang iyong account
Step 1

I-tap ang icon ng menu ng navigation , pagkatapos ay i-tap ang Mga setting at privacy.

Step 2

I-tap ang Iyong account, pagkatapos ay i-tap ang I-deactivate ang iyong account.

Step 3

Basahin ang impormasyon sa pag-deactivate ng account, pagkatapos ay i-tap ang I-deactivate.  

Step 4

Ilagay ang iyong password kapag hiningi at i-tap ang I-deactivate.

Step 5

Kumpirmahing gusto mong magpatuloy sa pamamagitan ng pag-tap sa Oo, i-deactivate.

Step 1

Sa menu sa itaas, puwede kang makakita ng icon ng menu ng navigation  o icon ng profile mo. I-tap ang alinmang icon na mayroon ka, pagkatapos ay i-tap ang Mga setting at privacy.

Step 2

I-tap ang Account, pagkatapos ay i-tap ang I-deactivate ang iyong account.

Step 3

Basahin ang impormasyon sa pag-deactivate ng account, pagkatapos ay i-tap ang I-deactivate.  

Step 4

Ilagay ang iyong password kapag hiningi at i-tap ang I-deactivate.

Step 5

Kumpirmahing gusto mong magpatuloy sa pamamagitan ng pag-tap sa Oo, i-deactivate.

Step 1

Mag-click sa icon ng Higit pa  at pagkatapos ay mag-click sa Mga setting at privacy mula sa drop-down menu.

Step 2

Mula sa tab na Iyong account, mag-click sa I-deactivate ang iyong account.

Step 3

Basahin ang impormasyon sa pag-deactivate ng account, pagkatapos ay i-click ang I-deactivate

Step 4

Ilagay ang iyong password kapag hiningi at kumpirmahing gusto mong magpatuloy sa pamamagitan ng pag-click sa button na I-deactivate ang account.


Kung mami-miss mo ang X at wala pang 30 araw, mag-log in lang at sundin ang mga hakbang na ito para i-reactivate ang iyong account.
 

 

Mga subscription at pag-deactivate ng account 

Ang pag-deactivate sa iyong X account ay hindi awtomatikong magkakansela ng subscription sa X. Kung mayroon kang anumang aktibong may bayad na subscription (hal., X Blue, Mga Super Follow) na binili gamit ang X app, mananatiling aktibo ang mga ito. Puwede mong pamahalaan ang mga subscription na ito gamit ang platform kung saan ka orihinal na nag-subscribe. Para sa mga subscription na binili sa X.com, awtomatikong makakansela ang mga ito pagkatapos mong i-deactivate ang iyong account.

Paano magkansela ng subscription sa X Blue

Paano magkansela ng subscription sa Mga Super Follow

 

Mga FAQ sa Pag-deactivate

Made-delete din ba ang aking mga direktang mensahe kung ide-deactivate ko ang Twitter?

Habang nasa 30 araw na panahon ng pag-deactivate, hindi ide-delete ang iyong mga direktang mensahe. Kapag natapos na ang panahon ng pag-deactivate at na-delete na ang iyong account, made-delete din ang mga ipinadala mong direktang mensahe.

Na-deactivate ko ang aking account, pero bakit palagi itong nare-reactivate?

Kung pinayagan mo ang anumang app ng third-party na i-access ang iyong account, posibleng nagla-log in ka nang hindi direkta mula sa ibang app. Dahil awtomatikong nire-reactivate ng pag-log in sa Twitter ang iyong account, tiyaking bawiin ang access ng app ng third-party sa Twitter account mo.

Paano kung wala sa akin ang password ko kapag sinubukan kong mag-deactivate?

Kung wala ito sa iyo, o kung nakakatanggap ka ng mensaheng mali ito, baka kailangan mong i-reset ang password mo. Subukang humiling ng email sa pag-reset ng password.

Humiling ako ng email sa pag-reset ng password, pero paano kung nawalan ako ng access sa aking email address na ginamit ko noong na-set up ang aking account?

Kung mawawalan ka ng access sa email address mo na nakakonekta sa iyong Twitter account, kakailanganin mong makipag-ugnayan sa service provider ng email mo. Humingi ng tulong sa access sa iyong email address. Ang pag-deactivate ay isang aksyong dapat gawin ng kumpirmadong may-ari ng account o sa pamamagitan ng kahilingan ng isang kumpirmadong may-ari ng account. Maliban kung makikipag-ugnayan ka sa amin mula sa kumpirmadong email address (o kung may access ka sa beripikadong mobile number sa account), hindi namin made-deactivate ang account para sa iyo. Kung may access ka sa beripikadong mobile number sa iyong account, puwede kang humiling ng pag-reset ng password.

Paano ko ide-deactivate ang aking naka-lock o suspindidong account?

Para i-deactivate ang iyong suspindido o naka-lock na account, mangyaring magsumite ng kahilingan dito. Puwede ring i-address ang mga kahilingan sa mga contact na nakalista sa ilalim ng seksyong “Paano Makipag-ugnayan sa Amin” ng aming Patakaran sa Privacy.

Puwede ka ring humingi ng tulong sa pag-unlock ng iyong account. Makakuha pa ng impormasyon sa pamamahala ng iyong naka-lock o suspindidong account, kabilang ang paghahain ng apela.

Ibahagi ang artikulong ito