Mga Salarin ng Mararahas na Pag-atake

Pangkalahatang-ideya

Pebrero 2022

Aalisin namin ang anumang account na pinapanatili ng mga indibidwal na salarin ng mga terorista, marahas na extrimist, o malawakang marahas na pag-atake, pati na rin ang anumang account na pumupuri sa (mga) nagsasawa nito, o nakatuon sa pagbabahagi ng mga manifesto at/o link ng third party kung saan naka-host ang kaugnay na content. Puwede rin naming alisin ang mga post na nagpapakalat ng mga manifesto o iba pang content na ginawa ng mga salarin.

Gusto naming maging isang lugar ang X kung saan nakakakuha ang mga tao ng mapagkakatiwalaang impormasyon at naipapahayag ang kanilang sarili nang malaya at ligtas nang hindi nababahala sa hindi magandang content. Kasunod ng mga terorista, marahas na extrimist, at malawakang marahas na pag-atake, alam naming marami ang gustong magpahayag ng pakikiramay sa mga biktima, batikusin ang mga pag-atake at/o mga salarin, at talakayin kung paano nakaapekto sa mga tao at sa kanilang mga komunidad ang mga pangyayaring ito. Posibleng gusto rin ng ibang tao na magbahagi ng mga manifesto o iba pang katulad na content na ginawa ng salarin ng pag-atake o isang kasabwat, para ipahayag ang galit o pagkondena ng mga posibleng motibo ng mga salarin. 

Posibleng lalong isapanganib ng karahasang isinagawa ng mga indibidwal na ito, at ang dahilan na kanilang inilista sa mga manifesto o iba pang paraan na ginagawang nirmal ang poot at diskriminasyon, ang pisikal na kaligtasan at kapakanan ng mga taong na-target, at ang posibilidad na magbigay ng inspirasyon sa mga pag-atake sa hinaharap. Puwede ring magdulot ng pinsala ang pagkalantad sa ganitong mga materyales sa mga taong nakakakita sa mga ito. 

Naniniwala kaming ang mga mapoot at may diskriminasyong pananaw na na-promote sa content na ginawa ng mga salarin ay mapaminsala sa lipunan at dapat limitahan ang pagpapalaganap ng mga ito para pigilan ang mga salarin nito na i-publicize ang kanilang mensahe. Bilang resulta, posible naming alisin ang mga post na naglalaman ng mga manifesto o iba pang katulad na materyal na ginawa ng mga salarin, kahit na hindi mapang-abuso ang content. Gayunpaman, posible naming payagan ang content na dapat ipamalita kung hindi ito:

  • Nagpapahiwatig ng mga mungkahi tungkol sa king paano magkaroon ng armas at pumili ng mga ita-target;
  • Nagbabahagi ng mga mapoot na slogan, simbolo, mem, at/o mapoot na conspiracy theory;
  • Nagbabalangkas ng ideyolohiya, taktikal na pagpipilian, at/o plano ng pag-atake ng mga salarin.

Ano ang isang manifesto?

Tinutukoy namin ang manifesto na isang pahayag ng isang salarin ng nagbabalangkas ng kanilang motibo, mga pananaw, o layunin sa pagsasagawa ng marahas na pag-atake. Ang manifesto ay puwedeng nasa anyo ng isang nakasulat na dokumento, social media post, audio recording, video, external link, o sulat, o iba pang anyo ng content. Posible itong ibahagi pagkatapos, o sa anumang panahon bago ang marahas na pag-atake. Puwedeng iugnay sa event ang isang manifesto sa pamamagitan ng isang pahayag ng babala o intensyon.

Sino ang mga indibidwal na salarin ng mga terorista, marahas na extrimist, at malawakang marahas na pag-atake?

Saklaw ng aming patakaran sa Mga Marahas at Mapoot na Entity ang mararahas na pag-atake na inangkin ng isang marahas na organisasyon o ng isang miyembro ng mga ganoong organisasyon. Hindi namin kinakailangan na makumpirma na miyembro ng mga teroristang organisasyon o ng iba pang marahas at mapoot na entity ang isang tao, o mayroon silang anumang opisyal na affiliation sa anumang grupo, organisasyon, o ideyolohiya, para magpatupad kami sa isang content sa ilalim ng aspektong ito ng aming mga patakaran. 

Ano ang labag sa patakarang ito?

Sa ilalim ng patakarang ito, permanente naming sususpindehin ang mga account na pag-aari ng isang malinaw na indibidwal na salarin ng mga terorista, marahas na extrimist, at malawakang marahas na pag-atake, pati na rin ang mga account na nakatuon sa pagbabahagi ng mapaminsala at marahas na content na naugnay sa mga salarin o marahas na pag-atake.

Dagdag pa, hindi mo puwedeng i-post ang alinman sa mga sumusunod:

Mga manifesto at iba pang content na ginawa ng mga salarin

Puwede naming alisin ang content na naglalaman ng mga manifesto at iba pang content na ginawa ng mga indibidwal na salarin o ng kanilang mga kasabwat. Puwedeng magkaroon ng mga paglabag sa mga post, Spaces, larawan, at video, kasama na ang live video. Kasama sa mga halimbawa ng content na puwede naming aksyunan sa ilalim ng patakarang ito ang, pero hindi limitado sa:

  • Pagbabahagi o pagli-link ng mga buong manifesto, anuman ang content.
  • Anumang post na naglalaman ng (mga) excerpt ng isang kinopyang manifesto (na-edit man o pinaikli) p ng orihinal na manifesto, maliban kung ibinahagi sa isang konteksyo na dapat ipamalita.
    • Anuman ang konteksto, palaging ipinagbabawal na magbahagi ng alinman sa sumusunod: 

       

      • (Mga) excerpt na nagpapahiwatig ng mga mungkahi tungkol sa king paano magkaroon ng armas at pumili ng mga ita-target;
      • (Mga) excerpt na nagbabahagi ng mga mapoot na slogan, simbolo, mem, at/o mapoot na conspiracy theory gaya ng Great Replacement Theory.
      • (Mga) excerpt na nagbabalangkas ng mga ideyolohiya, taktikal na pagpipilian, at/o plan ng pag-atake ng mga salarin.
  • Pagbabahagi ng media na ginawa ng salarin kaugnay ng pag-atake sa lahat ng pagkakataon. Kabilang dito ang, ngunit hindi limitado sa: 

     

    • Media na kinunan ng salarin sa pag-atake
    • Mga meme, sticker, o graffiti na ibinahagi at/o ginawa ng salarin
    • Media ng mga armas na ginamit sa pag-atake
  • Iba pang content na ginawa ng salarin na hindi nauugnay sa marahas na pag-atake pero partikular na nagpo-promote o sumusuporta sa karahasan.
  • Content na ginawa ng isang miron tungkol sa pag-atake habang nangyayari ito, gaya ng content na nagpapakita ng sandali ng pag-atake o pagkamatay, mga bangkay, content na tumutukoy sa mga biktima, o content na nagpapakita sa mga salarin habang isinasagawa ang pag-atake.

Mga multimedia content, URL, at hashtag

Posible kaming maglagay ng sensitive media interstitial sa ilang media/ Dahil sa interstitial, magkakaroon ang mga larawan at video ng babalang mensahe na kinakailangang maunawaan bago ipakita ang media. Sa paggamit ng feature na ito, puwedeng iwasan ng mga tao na makita ang sensitibong media kung gusto nila, o gumawa ng may kaalamang desisyon bago piliing makita ito. Kasama (pero hindi limitado) sa mga uri ng media na puwede naming lagyan ng interstitial ang:

  • Media na nagpapakita ng isang salarin 
  • Mga excerpt ng manifesto ng salarin na ibinahagi bilang bahagi ng isang balita

Posible naming lagyan ng label ang mga URL na direktang nagli-link sa mga dokumentong pinapaniwalaang isang manifesto para iwasan ang mga URL na ito na maibahagi sa X.

Posible naming tanggihang ilista ang mga hashtag na tumutukoy sa mga salarin sa mga nauuso para bawasan ang kakayahang makita ang mga pagkakakilanlan ng mga salarin, pati na rin ang lahat ng hashtag na ginamit nang isang beses para mapalabas ang mga manifesto.

Ano ang hindi paglabag sa patakarang ito?

  • Mga account na pag-aari ng
    • Mga miron na nagkataong malapit sa lugar kung saan nagkaroon ng marahas na pag-atake at/o nagawang pigilan ang pag-atake, halimbawa, isang taong binaril ang (mga) salarin
    • Mga salarin na nagawang baligtarin ang kanilang hatol pagkatapos ng isang not guilty na hatol
  • Content na nagpapakita ng alinman sa mga sumusunod:
    • Paggamit ng puwersa ng tagapagpatupad ng batas at tauhan ng militar, ilang bahagi ng kanilang mga opisyal na tungkulin, na nagresulta sa mga pagkasawi;
    • Karahasan laban sa tauhan ng militar at tagapagpatupad ng batas;
    • Mga pang-aabuso sa mga karapatang pantao
    • Mga marahas na pag-atake na bahagi ng isang armadong tunggalian
    • Karahasang ginamit bilang paraan ng pagtatanggol sa sarili
    • Mararahas na pag-atake, kung saan may makatuwirang pagdududa sa naging dahilan ng pag-atake
    • Mga kaso ng paninira at mga pag-atake na nagresulta sa pagkasira ng mahalagang imprastruktura
    • Pagbabahagi ng ilang pahayag mula sa (mga) manifesto, ito man ay nasa isang kontekstong dapat ipamalita o magdulot ng kamalayan sa paglitaw ng poot o karahasan patungkol sa isang partikular na grupo. Halimbawa: "sinabi ng bumaril na gusto niyang lipulin ang x group" ay hindi maaaksyunan sa ilallim ng patakarang ito.

Sino ang puwedeng mag-ulat ng mga paglabag sa patakarang ito?


Kahit sino ay puwedeng mag-ulat ng mga potensyal na paglabag sa patakarang ito, may X account man sila o wala. 

Ano ang mangyayari kapag nilabag mo ang patakarang ito? 


Nakadepende sa kalubhaan ng paglabag ang mga kahihinatnan ng paglabag sa aming patakaran sa mararahas na event. Permanenteng sususpindehin ang mga account na pinapanatili ng mga salarin ng mga terorista, marahas na extrimist, o malawakang marahas na pag-atake. Gaya ng inilarawan sa itaas, puwede rin naming alisin ang content na naglalaman ng mga manifesto at iba pang content na ginawa ng mga salarin o ng kanilang mga kasabwat. 

Dagdag pa, aalisin din namin ang content na lumalabag sa aming mga patakaran kaugnay ng Marahas na Pananalita  o iba pang bahagi ng Mga Patakaran sa X.

Mga karagdagang resource


Matuto pa tungkol sa iba't iba naming opsyon sa pagpapatupad ng batas at ang paraan namin sa pagbuo at pagpapatupad ng patakaran.

 

I-share ang artikulong ito