Mapoot na Asal

Pangkalahatang-ideya
 

Abril 2023

Hindi ka maaaring direktang mang-atake ng ibang tao batay sa lahi, etnisidad, bansang pinagmulan, caste, sekswal na oryentasyon, kasarian, kinikilalang kasarian, kinabibilangang relihiyon, edad, kapansanan, o malubhang sakit. 

Ang misyon ng X ay bigyan ang lahat ng kakayahang gumawa at magbahagi ng mga ideya at impormasyon, at ipahiwatig ang kanilang mga opinyon at paniniwala, nang walang hadlang. Ang malayang pagpapahayag ay isang karapatang pantao – naniniwala kaming ang lahat ay may boses, at may karapatang gamitin ito. Tungkulin naming manilbihan sa pampublikong usapan na nangangailangan ng pagkatawan sa iba't ibang uri ng perspektibo. 

Kinikilala namin na kung nakakaranas ng pang-aabuso ang mga tao sa X, puwede nitong maisapanganib ang kakayahan nilang maipahayag ang kanilang mga sarili. Ipinapakita ng pananaliksik na ang ilang grupo ng mga tao ay mas pinupuntirya ng pang-aabuso online. Para sa mga kasapi ng maraming underrepresented na grupo, puwedeng maging mas karaniwan, mas malubha, at mas mapaminsala ang pang-aabuso.

Naninindigan kami sa paglaban sa pang-aabuso na dulot ng poot, panghuhusga o kawalan ng tolerance, lalo na ang pang-aabusong naghahangad na patahimikin ang mga boses ng mga taong historically marginalized. Dahil dito, ipinagbabawal namin ang gawi na nangta-target sa mga indibidwal o grupo nang may pang-aabuso batay sa ipinagpapalagay na pagkakabilang nila sa isang protektadong kategorya.  

Kung may makikita ka sa X na sa tingin mo ay lumalabag sa patakarang ito, pakiulat ito sa amin.

 

Ano ang labag sa patakarang ito?

Susuriin at aaksyunan namin ang mga pag-uulat ng mga account na nagta-target ng indibidwal o grupo ng mga tao na nagsasagawa ng alinman sa mga sumusunod na gawi, sa Mga post o Direktang Mensahe man. 

Mga mapoot na pagbanggit

Ipinagbabawal namin ang pagta-target ng mga indibidwal o grupo gamit ang content na nagbabanggit ng mga anyo ng karahasan o mga event ng karahasan kung saan isang protektadong kategorya ang pangunahing target o mga biktima, at ang intensyon ay manligalig. Kabilang dito ang, ngunit hindi ito limitado sa, media o tekstong nagbabanggit o nagpapakita ng:

  • mga genocide, (hal., ang Holocaust);
  • mga lynching.

Pang-uudyok

Ipinagbabawal namin ang pag-uudyok na nagta-target sa mga indibidwal o grupo ng mga taong napapabilang sa mga protektadong kategorya. Kasama rito ang:

  • magdulot ng takot o magpakalat ng mga nakakatakot na stereotype tungkol sa isang protektadong kategorya, kasama ang pagsasabing ang mga miyembro ng isang protektadong kategorya ay mas malamang na makilahok sa mga mapanganib o ilegal na aktibidad, hal., “terorista ang lahat ng [grupong panrelihiyon].”
  • udyukan ang iba na manligalig ng mga miyembro ng isang protektadong kategorya sa loob o labas ng platform, hal., “Pagod na 'ko sa [religious group], akala nila kung sino sila, kung makikita kayong may suot ng [simbolong panrelihiyon ng grupong panrelihiyon], kunin ninyo ito at mag-post kayo ng pics!“
  • udyukan ang iba na man-discriminate sa anyo ng pagtanggi ng suporta sa economic enterprise ng isang indibidwal o grupo dahil sa kanilang inaakalang pagiging miyembro ng isang protektadong kategorya, hal., “Kung pumupunta ka sa isang tindahan ng [grupong panrelihiyon], sinusuporthan mo ang mga [slur] na 'yon, 'wag na nating ibig ang pera natin sa mga [religious slur] na 'yan.” Puwedeng hindi ito kabilangan ng content na nilalayon bilang pulitikal, gaya ng komentaryo sa pulitika o content na nauugnay sa mga boycott o protesta.

Tandaan: ipinagbabawal ang content na inilaan para mang-udyok ng karahasan laban sa isang protektadong kategorya sa ilalim ng Marahas na Pananalita.

Mga Pang-iinsulto at Makahulugang Pahayag

Ipinagbabawal namin ang pagta-target ng ibang tao gamit ang mga paulit-ulit na pang-iinsulto, makahulugang pahayag, o iba pang content na may layuning maliitin o palakasin ang mga negatibo o mapanakit na stereotype tungkol sa isang protektadong kategorya. Sa ilang sitwasyon, gaya ng (ngunit hindi limitado sa) malubha at paulit-ulit na paggamit ng mga pang-iinsulto, o racist/sexist na pahayag kung saan ang konteksto ay mang-harass o manakot ng iba, maaaring ipaalis namin ang post. Sa ilang kaso, gaya ng (pero hindi limitado sa) katamtaman at natatanging paggamit kung saan ang konteksto ay mang-harass o manakot ng iba, maaari naming limitahan ang makakakita ng post gaya sa inilalarawan sa ibaba.

Pangmamaliit

Ipinagbabawal din namin ang pangmamaliit ng isang grupo ng mga tao batay sa kanilang relihiyon, caste, edad, kapansanan, malubhang sakit, bansang pinagmulan, lahi, etnisidad, kasarian, kinikilalang kasarian, o sekswal na oryentasyon.

Mapoot na Imagery 

Para sa amin, ang mapoot na imagery ay mga logo, simbolo, o mga imaheng may layuning mag-promote ng hostility at malice laban sa iba batay sa kanilang lahi, relihiyon, kapansanan, sekswal na oryentasyon, gender identity o etnisidad/bansang pinagmulan. Kasama sa ilang halimbawa ng mapoot na imagery ang, pero hindi limitado sa:

  • mga simbolong nauugnay sa mga hate groups sa kasaysayan, hal., ang Nazi swastika;
  • mga larawang nagpapakita sa iba bilang mas mababa sa tao, o binago para magpakita ng mga mapoot na simbolo, hal., pagbabago ng mga imahe ng mga indibidwal para magsama ng mga katangiang panghayop; o
  • mga imaheng binago para magsama ng mga mapoot na simbolo o pagbanggit sa mass murder na nagta-target sa isang protektadong kategorya, hal., pagmanipula ng mga imahe ng mga indibidwal para magsama ng mga badge ng dilaw na Star of David, patungkol sa Holocaust.

Ang pagpapakita ng mapoot na imagery ay hindi pinapahintulutan sa live video, account bio, profile o mga header image. Ang lahat ng iba pang pagkakataon nito ay dapat markahan bilang sensitibong media. Bukod pa rito, ang pagpapadala sa isang indibidwal ng hindi hinihinging mapoot na imagery ay isang paglabag sa patakarang ito. 

Mapoot na Profile

Hindi ka maaaring gumamit ng may-poot na mga larawan o simbolo sa iyong larawan ng profile o header ng profile. Hindi mo rin maaaring gamitin ang iyong username, display name, o profile bio upang sumali sa mapang-abusong gawi, gaya ng gawaing pinagkakaisahang i-harass ang isang tao, pangkat, o pinoprotektahang kategorya o kaya ay magpahayag ng poot laban sa kanila.

Kailangan bang ako ang target ng content na ito para maituring itong paglabag sa Mga Patakaran sa X?

Maaaring maging mukhang mapoot ang ilang post kapag binasa nang mag-isa, ngunit maaaring hindi naman pala kapag binasa na sa konteksto ng isang mas malawak na usapan. Halimbawa, ang mga miyembro ng isang protektadong kategorya ay maaaring gumamit ng mga salitang karaniwang itinuturing na slur kapag nakikipag-usap sa isa't isa. Kapag ginagamit ito nang may pahintulot, hindi mapang-abuso ang konteksto sa likod ng mga salitang ito, pero layunin nitong bawiin ang mga salitang dating ginagamit para maliitin ng mga indibidwal.  

Kapag sinusuri namin ang ganitong uri ng content, posibleng hindi maging malinaw kung ang intensyon ay mang-abuso ng indibidwal batay sa kanilang katayuan bilang protektado, o kung bahagi ito ng isang konsenswal na usapan. Upang matulungan ang aming mga team na maunawaan ang konteksto, minsan ay maaaring kailanganin naming marinig mismo ang panig ng taong tina-target upang matiyak na mayroon kami ng impormasyong kinakailangan bago kami magsagawa ng anumang aksyon sa pagpapatupad.

Tandaan: ang mga indibidwal ay hindi kailangang maging miyembro ng isang partikular na protektadong kategorya para gumawa kami ng aksyon. Hindi namin hihilingin sa mga taong patunayan o pabulaanan ang pagiging miyembro ng isang protektadong kategorya at hindi namin iimbestigahan ang impormasyong ito. 

Ano ang mangyayari kapag nilabag mo ang patakarang ito?

Sa ilalim ng patakarang ito, kikilos kami laban sa asal na nagta-target sa mga indibidwal o isang buong protektadong kategorya gamit ang mapoot na asal, ayon sa inilalarawan sa itaas. Puwedeng mangyari ang pagta-target sa ilang paraan, halimbawa, mga pagbanggit, kasama ang larawan ng isang indibidwal, pagbanggit sa isang tao gamit ang kanyang buong pangalan, atbp.

Kapag pinagpapasyahan ang parusa para sa paglabag sa patakarang ito, nagsasaalang-alang kami ng maraming salik na kinabibilangan ng, ngunit hindi limitado sa kalubhaan ng paglabag at mga dating record ng indibidwal kaugnay ng mga paglabag sa patakaran. Ang sumusunod ay isang listahan ng mga potensyal na opsyon sa pagpapatupad para sa content na lumalabag sa patakarang ito:

  • Gawing mas kaunti ang makakakita ng content sa X sa pamamagitan ng:
    • Pag-aalis ng post sa mga resulta ng paghahanap, rekomendasyon sa produkto, nauuso, abiso, at home timeline 

    • Paglilimita sa kakayahang matuklasan ang post sa profile ng author

    • Pag-downrank ng post sa mga sagot

    • Paglilimita sa mga Like, sagot, Repost, Quote na post, bookmark, share, pin to profile, o bilang ng pakikipag-ugnayan 

    • Pagbubukod sa post para hindi magkaroon ng mga ad sa tabi nito

  • Hindi pagsasama sa mga post at/o account sa mga rekomendasyon sa email o in-product na rekomendasyon. 

  • Pag-aatas na alisin ang post.
    • Halimbawa, maaari naming hilingin sa isang tao na alisin ang lumalabag na content at na gumamit lang ng X nang nasa read-only mode bago siya makapag-post ulit.
  • Pagsususpinde ng mga account na lumalabag sa aming patakaran sa Mapoot na Profile.

Matuto pa tungkol sa aming hanay ng mga opsyon sa pagpapatupad

Kung pinaniniwalaan ng isang taong nagkamali kami sa pagsuspinde ng kanyang account, puwede siyang magsumite ng apela.

Ibahagi ang artikulong ito