Tandaan: Kung maglalagay ka ng panseguridad na key para sa dagdag na proteksyon ng two-factor authentication, hindi na kami hihingi ng iba pang paraan ng pag-back up para sa dagdag na proteksyon. Puwedeng gamitin ang mga panseguridad na key bilang natatangi mong paraan ng authentication, nang walang anumang iba pang naka-on na paraan.
Kung nag-enroll ka sa beripikasyon sa pag-log in bago ang Marso 21, 2016:
Kapag nag-log in ka sa iyong account sa twitter.com o sa ibang device gamit ang Twitter para sa iOS, Twitter para sa Android, o mobile.twitter.com, puwede kang padalhan ng push notification sa telepono mo. Buksan ang push notification para aprubahan ang kahilingan sa pag-log in. Kapag naaprubahan mo na, agad kang ila-log in sa iyong account sa twitter.com.
Puwede ka ring makatanggap ng code sa pag-log in sa pamamagitan ng SMS text message. Puwede kang mag-opt in dito sa pamamagitan ng pag-click sa hilinging magpadala ng code sa iyong telepono sa pamamagitan ng text message kapag nag-log in ka sa iyong account sa twitter.com.
Tandaan: Puwede mo ring aprubahan o tanggihan ang iyong mga kahilingan sa pag-log in sa mismong app sa pamamagitan ng pag-tap sa Seguridad, at pagkatapos ay pag-tap sa Mga Kahilingan sa Pag-log In. Hilain pababa ang listahan para mag-refresh para sa mga bagong kahilingan. Lalabas ang mga kahilingan sa screen na ito kahit hindi ka nakatanggap ng push notification.