Kapag na-enable na ang eksaktong lokasyon sa iyong device, sumulat ng Tweet gaya ng dati. Kung hindi ka pa nakapag-attach ng lokasyon sa iyong mga Tweet dati, puwede kang makakita ng prompt na nagtatanong sa iyo kung gusto mong i-enable ang eksaktong lokasyon.
I-tap ang icon ng lokasyon sa kahon ng pagsulat ng Tweet para magbukas ng listahan ng mga lugar na puwede mong pagpilian.
Piliin ang lokasyong gusto mong ilagay sa Tweet mo.
Kung mag-a-attach ka ng larawan sa iyong Tweet na kinunan gamit ang in-app na camera at na-tap mo ang icon ng lokasyon, iuugnay ang eksakto mong lokasyon (latitude at longitude) sa Tweet at mahahanap ito gamit ang API.
Para sa mga mas lumang bersyon ng Twitter para sa iOS, palaging maglalaman ang iyong Tweet ng pangalan ng pinili mong lokasyon at ang eksaktong lokasyon ng device mo (na puwedeng mahanap gamit ang API) kapag nag-tweet ka.
Sa susunod na mag-tweet ka gamit ang Twitter app sa parehong device, awtomatikong ilalagay ang pangkalahatan mong lokasyon sa Tweet mo, gamit ang kasalukuyan mong lokasyon. Para sa mga bersyon ng Twitter para sa iOS bago ang 6.26, awtomatikong ia-attach ang eksakto mong lokasyon sa Tweet (at mahahanap ito gamit ang API) kasama ang pangkalahatan mong lokasyon.