Paano gamitin ang eksaktong lokasyon sa mga mobile device

Sa pamamagitan ng pag-enable sa eksaktong lokasyon sa mga opisyal na app ng X, nagagawa ng X na kolektahin, i-store, at gamitin ang iyong eksaktong lokasyon, gaya ng impormasyon sa GPS. Nagbibigay-daan ito sa amin para maibigay, ma-develop, at mapahusay ang iba't iba naming serbisyo, kabilang ang mga sumusunod pero hindi limitado sa mga ito:

  • Paghahatid ng content, kabilang ang mga post at pag-advertise, na mas akma sa lokasyon mo.
  • Paghahatid ng mga trend na partikular sa lokasyon.
  • Pagpapakita sa iyong mga tagasunod ng lokasyon kung saan ka nagtu-tweet bilang bahagi ng post, kung gusto mong i-geotag ang post mo. 
 
Paano i-enable at i-disable ang mga serbisyo ng lokasyon sa antas ng device
Step 1

Pumunta sa feature na Mga Setting ng iyong device at i-tap ang Privacy.

Step 2

I-tap ang Mga Serbisyo ng Lokasyon.

Step 3

Sa tabi ng Mga Serbisyo ng Lokasyon, i-drag ang slider para i-on ang feature.

Step 4

Pagkatapos, hanapin ang Twitter app sa listahan at i-tap ang Hindi kailanman o Habang ginagamit ang app.

Step 1

Pumunta sa feature na Mga Setting ng iyong device at i-tap ang Mga App.

Step 2

Hanapin ang Twitter sa listahan ng iyong mga app at i-tap ang Mga Pahintulot, pagkatapos ay i-toggle ang switch sa tabi ng Lokasyon para i-on o i-off ito.

Paano i-enable at i-disable ang eksaktong lokasyon sa antas ng account sa Twitter app
Step 1

Sa menu sa itaas, i-tap ang icon ng profile mo, pagkatapos ay i-tap ang Mga setting at privacy.

Step 2

I-tap ang Privacy at Kaligtasan.

Step 3

Sa ilalim ng Kaligtasan, i-tap ang Eksaktong lokasyon sa seksyong Lokasyon.

Step 4

Sa page na Eksaktong lokasyon, i-drag ang slider para i-on o i-off ang feature.

Step 1

Sa menu sa itaas, makikita mo ang icon ng navigation menu  o ang icon ng profile mo. I-tap ang alinmang icon na mayroon ka, pagkatapos ay i-tap ang Mga setting at privacy.

Step 2

I-tap ang Privacy at Kaligtasan.

Step 3

Sa ilalim ng Kaligtasan, i-tap ang Eksaktong lokasyon sa seksyong Lokasyon.

Step 4

Sa page na Eksaktong lokasyon, i-tap ang checkbox para i-on o i-off ang feature.

Ibahagi ang artikulong ito