Tulong para sa nakompromiso kong account
Kung nakompromiso ang account mo pero nakakapag-log in ka pa rin, tutulungan ka ng page na ito na protektahan ang account mo at pigilan ang mga hindi gustong gawi.
Nakompromiso ba ang account ko?
Ikaw ba ay may:
- Napansing mga hindi inaasahang post ng account mo
- Nakitang mga hindi sinasadyang Direktang Mensahe na ipinadala mula sa account mo
- Naobserbahang iba pang gawi ng account na hindi mo ginawa o inaprubahan (gaya ng pag-follow, pag-unfollow, o pag-block)
- Nakatanggap ng abiso mula sa amin na nagsasaad na posibleng nakompromiso ang account mo
- Nakatanggap ng abiso mula sa amin na nagsasaad na nagbago ang impormasyon ng account mo, at hindi mo ito pinalitan
- Napansin na hindi na gumagana ang password mo at pina-prompt ka na i-reset ito
Kung oo ang sagot mo sa alinman sa mga nasa itaas, gawin ang mga sumusunod na hakbang:
1. Palitan password mo
Pakipalitan agad ang password mo sa tab na Password sa mga setting. Kung na-log out ka, pumunta sa Login at i-click ang Nakalimutan ang Password para i-reset ang password mo. Pumili ng hindi madaling hulaan na password na hindi mo pa dating nagagamit.
2. Siguraduhing protektado ang email address mo
Siguraduhing protektado ang email address na nauugnay sa account mo at ikaw lang ang may access dito. Puwede mong palitan ang email address mo mula sa X app (iOS o Android) mo o sa pamamagitan ng pag-log in sa X.com at pagpunta sa tab ng settings na Account. Bisitahin ang artikulo para sa mga tagubilin sa pag-update sa iyong email address, at tingnan ang artikulong ito para sa karagdagang mga tip sa seguridad ng email account.
3. Bawiin ang mga koneksyon sa mga third-party application
Habang naka-log in, bisitahin ang Mga Nakakonektang App sa mga setting mo. Bawiin ang access para sa anumang thir-party application na hindi mo nakikilala.
4. I-update ang password mo sa mga pinagkakatiwalaan mong third-party application
Kapag ginagamit ng isang mapagakatiwalaang external application ang password mo sa X, siguraduhing i-update ang password mo sa application na iyon. Kung hindi, posible kang pansamantalang ma-lock out sa accopunt mo dahil sa mga nabigong pagtatangkang mag-login.
Protektado na dapat ngayon ang account mo, at hindi ka na dapat makakita ng mga hindi inaasahang gawi ng account mula ngayon. Kung nakararanas ka pa rin ng mga isyu, mag-file ng kahilingan para sa suporta para sa tulong.
5. Makipag-ugnayan sa Suporta kung kailangan mo pa rin ng tulong
Kung hindi ka pa rin makapag-log in pagkatapos magtangkang mag-reset ng password, makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng pagsusumite ng Kahilingan para sa Suporta. Siguraduhing gamitin ang email address na nauugnay sa nakompromisong X account; pagkatapos ay magpapadala kami ng karagdagang impormasyon at mga tagubilin sa email address na iyon. Kapag nagsusumite ng kahilingan mo para sa suporta, ilagay ang username mo at ang petsa kung kailan ka huling nagka-access sa account mo.
Matuto pa tungkol sa kung ano ang puwede mong gawin kung nawalan ka ng access sa email account na nauugnay sa X account mo.
Protektahan ang account mo gamit ang mga simpleng pag-iingat
Kung nakompromiso ang account mo, gawin ang mga karagdagang pag-iingat na ito:
- I-delete ang anumang hindi gustong post na na-post habang nakompromiso ang account mo.
- I-scan ang mga computer mo para sa mga virus
- Mag-install ng mga panseguridad na patch sa operating system at mga application mo.
- Palaging gumamit ng hindi madaling hulaan at bagong password na hindi mo pa nagamit kahit saan at magiging mahirap hulaan.
- Pag-isipang gumamit ng two-factor authentication. Sa halip na umasa lang sa isang password, nagbibigay ang beripikasyon sa pag-login ng ikalawang pagsusuri para siguraduhing ikaw at ikaw lang ang may access sa X account mo. Isang mahalagang panseguridad na feature na nagdaragdag ng extra layer ng proteksyon sa account mo at luhang nakakabawas sa panganib na magkaroon ng hindi awtorisadong access.
- Huwag ibahagi ang mga detalye mo sa pag-login kahit kanino bilang pinakamagandang kasanayan para i-minimize ang panganib na makompromiso ang account.
Makikita mo ang iba pang impormasyon sa aming page na mga tip para sa seguridad ng account.
Paano nakokompromiso ang mga account?
Posibleng makompromiso ang mga account kapag ipinagkatiwala mo ang username at password mo sa isang mapaminsalang third-party application o website, kung vulnearable ang X account mo dahil sa isang madaling hulaan password, kung nangongolekta ng mga password ang mga virus o malware sa computer mo, o kung nasa isa kang nakompromisong network.
Kapag may mga hindi inaasahang update, hindi ito palaging nangangahulugan na nakompromiso ang account mo. Paminsan-minsan, puwedeng may bug ang isang third-party application na nagdudulot ng hindi inaasahang gawi. Kapag may nakita kang kakaibang gawi, mapipigilan ito ng pagpapalit ng password mo at/o pagbawi sa mga koneksyon, dahil hindi na magkakaroon ng access ang application sa account mo.
Pinakamainam na umaksyon sa lalong madaling panahon kung posible kung may mga lumalabas na update sa account mo na hindi mo pinost o inaprubahan.