Tulong para sa na-hack kong account

Kung sa tingin mo ay na-hack ka at hindi ka makapag-log in gamit ang iyong username at password, pakigawa ang mga sumusunod na hakbang:

1. Humiling ng pag-reset ng password


I-reset ang iyong password sa pamamagitan ng paghingi ng email mula sa form sa pag-reset ng password. Subukang ilagay ang iyong username at email address, at tiyaking hanapin ang email sa pag-reset sa address na nauugnay sa iyong X account.

Kung nakapag-log in ka pagkatapos i-reset ang password, pakitingnan kung nakompromiso ang account mo at i-secure ulit ang account mo.

 

2. Makipag-ugnayan kung kailangan mo pa rin ng tulong


Kung hindi ka pa rin maka-log in, makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng pagsusumite ng Kahilingan sa Suporta. Tiyaking gamitin ang email address na iniugnay mo sa na-hack na X account; pagkatapos ay magpapadala kami ng mga karagdagang impormasyon at tagubilin sa email address na iyon. Kapag nagsusumite ng iyong kahilingan sa suporta, pakilagay ang iyong username at ang petsa noong huli kang nagkaroon ng access sa iyong account.

Matuto pa tungkol sa kung ano ang puwede mong gawin kung nawalan ka ng access sa email account na nauugnay sa iyong X account.

Ibahagi ang artikulong ito