Tulong para sa na-lock o nilimitahang account
Puwede kaming mag-lock ng account o maglagay ng mga pansamantalang limitasyon sa ilang partikular na feature ng account kung ang isang account ay mukhang nakompromiso o o lumalabag sa Mga Patakaran sa X o Mga Tuntunin ng Serbisyo. Kapag nag-log in ka o binuksan mo ang iyong app at nakakita ka ng mensaheng na-lock ang iyong account o nilimitahan ang ilan sa mga feature ng iyong account, sundin ang mga tagubilin para ibalik ito o magpatuloy sa pagbabasa para sa higit pang impormasyon.
Na-lock ang iyong account dahil sa seguridad
Kung nag-log in ka sa iyong account at nakakita ka ng mensaheng na-lock ang iyong account dahil sa seguridad, nangangahulugan ito na may natukoy kaming kahina-hinalang gawi at mukhang nakompromiso ang iyong account. Para i-unlock ang iyong account, paki-secure ito sa pamamagitan ng pagpapalit ng iyong password ngayon.
Kung mayroon kang email address na nauugnay sa account mo, nagpadala rin kami ng mga tagubilin sa address na iyon. Kung wala kang makitang email mula sa amin, pakitingnan ang iyong spam, junk, at social folder.
Magbasa ng mga tip tungkol sa kung paano papanatilihing secure ang iyong account.
Makipag-ugnayan sa aming team ng suporta kung kailangan mo ng karagdagang tulong sa pag-unlock sa iyong account.
Kung mukhang nagpapakita ng naka-automate na gawi ang iyong account na lumalabag sa Mga Patakaran sa X, puwede namin itong i-lock at puwede naming hilingin sa iyo na kumpirmahing ikaw ang valid na may-ari ng account.
Para i-unlock ang account:
- Mag-log in sa iyong account.
- Hanapin ang mensaheng nagsasabi sa iyo na Na-lock ang account mo.
- I-click o i-tap ang Simulan.
- Ilagay ang numero ng iyong telepono. Tandaan na iuugnay namin ang numero ng teleponong ito sa iyong account.
- Papadalhan ka namin ng text message, o makakatanggap ka ng tawag sa telepono, para sa code ng beripikasyon. Puwedeng umabot nang ilang minuto bago maipadala sa telepono mo ang code.
- Kapag nailagay mo na ang code ng beripikasyon, i-click o i-tap ang Isumite para i-unlock ang iyong account.
Kung mayroon kang email address na nauugnay sa account mo, nagpadala rin kami ng mga tagubilin sa address na iyon. Kung wala kang makitang email mula sa amin, pakitingnan ang iyong spam, junk, at social folder.
Makipag-ugnayan sa aming team ng suporta kung kailangan mo ng karagdagang tulong sa pag-unlock sa iyong account.
Kung ganito ang status ng iyong account, ang mga taong bumibisita sa profile mo ay puwedeng makakita ng mensaheng nagsasabi sa kanila na nagpapakita ng kakaibang aktibidad ang account at nagtatanong sa kanila kung gusto pa rin ba nila itong tingnan.
Nililimitahan ang iyong account dahil posibleng nilabag nito ang Mga Patakaran sa X
Kung nilimitahan ang iyong account dahil posibleng nilabag nito ang Mga Patakaran sa X, makakapag-browse ka pa rin sa X, pero habang nasa ganitong status, makakapagpadala ka lang ng Mga Direktang Mensahe sa mga tagasunod mo. Hindi ka makakagawa ng mga pagkilos gaya ng pag-post, pag-repost, o pag-like, at mga tagasunod mo lang ang makakakita ng mga dati mong post.
Puwede naming hilingin sa iyo na kumumpleto ng ilang partikular na aksyon bago namin simulan ang countdown sa limitado mong status. Posibleng kabilang sa mga aksyong ito ang pagberipika sa email address mo, paglalagay ng numero ng telepono sa iyong account, o pag-delete sa mga post na labag sa aming mga patakaran.
Para ibalik ang iyong account, mag-log in at hanapin ang mensaheng nagsasabi sa iyo na Pansamantala naming nilimitahan ang ilan sa mga feature ng account mo. I-click o i-tap ang Simulan at sundin ang mga tagubilin para kumpletuhin ang mga hinihinging aksyon.
Tandaan: Ang paulit-ulit na paglabag sa Mga Patakaran sa X ay posibleng humantong sa permanenteng pagkakasuspinde.
Kung sa tingin mo ay hindi dapat nilimitahan ang iyong account, puwede kang umapela sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa aming team ng suporta.
Kung pansamantalang nililimitahan ang iyong account, ang mga taong bumibisita sa profile mo ay puwedeng makakita ng mensaheng nagsasabi sa kanila na posibleng lumalabag sa Mga Patakaran sa X ang account at nagtatanong sa kanila kung gusto pa rin ba nila itong tingnan.
Nililimitahan ang ilan sa mga feature ng iyong account dahil sa kahina-hinalang aktibidad
Kung mukhang nagpapakita ng agresibong pagsunod o mga agresibong pakikipag-ugnayan ang iyong account (gaya ng pag-like, pag-repost, at pag-quote ng post), na labag sa Mga Patakaran sa X, makakakita ka ng mensaheng nagsasabi na nililimitahan sa loob ng isang partikular na tagal ng panahon ang mga feature ng iyong account.
May dalawa kang mapagpipiliang opsyon:
- Gamitin ang X sa pansamantalang limitadong status sa loob ng itinakdang tagal ng panahon.
- Kumpletuhin ang aming mga tagubilin para beripikahin ang numero ng telepono o email address mo.
Para gamitin ang X sa pansamantalang limitadong status, i-click o i-tap lang ang Magpatuloy sa X. Habang nasa limitado kang status, puwedeng naka-filter sa ilang bahagi ng X ang iyong account at mga post, kabilang ang mga resulta ng paghahanap at abiso. Kung pipiliin mo ang Magpatuloy sa X, hindi ka na makakabalik para piliin ang opsyon sa pagberipika.
Para i-restore ang iyong account sa pamamagitan ng pagberipika sa numero ng telepono o email address mo, i-click o i-tap ang Beripikahin, at sundin ang mga tagubiling ibibigay namin. Sa pamamagitan ng pagberipika sa numero ng telepono at email address mo, nababawasan ang mga potensyal na naka-automate o scripted na aktibidad sa X.
Tandaan: Kung mukhang paulit-ulit ang paglabag ng iyong account sa Mga Patakaran sa X, o kung mukhang agresibo itong nakikipag-ugnayan sa ibang account, puwedeng hindi ka aluking magberipika gamit ang telepono. Sa ganitong sitwasyon, sa limitadong status mo lang magagamit ang X sa loob ng itinakdang tagal ng panahon.
Paano i-deactivate ang mga naka-lock mong account
Para i-deactivate ang naka-lock mong account, mangyaring sumangguni sa aming mga artikulo sa pag-troubleshoot o magsumite ng kahilingan dito. Puwede ring ipadala ang mga kahilingan sa mga contact na nakalista sa ilalim ng seksyong "Paano Makipag-ugnayan sa Amin" ng aming Patakaran sa Privacy.
Paano humingi ng kopya ng personal mong impormasyon
Puwedeng magsumite ng kahilingan ang mga naka-lock na account para i-access ang kanilang impormasyon dito. Puwede ring ipadala ang mga kahilingan sa mga contact na nakalista sa ilalim ng seksyong "Paano Makipag-ugnayan sa Amin" ng aming Patakaran sa Privacy.
Kung sa tingin mo ay hindi dapat na-lock ang iyong account, puwede kang umapela sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa aming team ng suporta.
Pansamantalang nililimitahan ang ilan sa mga feature ng iyong account
Mahalaga para sa X ang mga usapan, pero kung may matutukoy kaming gawi na posibleng labag sa Mga Patakaran sa X o pumipigil sa kakayahan ng iba na maipahayag ang kanilang sarili sa malayang paraan, puwede naming limitahan pansamantala ang ilang partikular na feature ng account. Halimbawa, posibleng nangangahulugan ito na mga tagasunod mo lang ang makakakita ng aktibidad mo sa X, kabilang ang mga post, pag-like, Repost, atbp. Sa pamamagitan ng paglilimita ng abot ng potensyal na mapang-abusong content, nakakagawa tayo ng isang mas ligtas na kapaligiran at mas matatag na komunidad sa X.
Kapag nag-log in ka at nakita mo ang mensaheng ito, i-click o i-tap ang Magpatuloy sa X para simulan ang countdown ng pagbabalik ng mga feature ng account mo. Puwede mong basahin ang higit pa tungkol sa patakaran ng X sa mapang-abusong gawi, at tingnan ang mga alituntunin para sa aming patakaran sa mapoot na asal.