Para mabilis na magbahagi ng video sa sandaling ito, i-tap ang icon na camera mula sa menu sa itaas o mag-swipe pakaliwa mula sa timeline.
I-tap nang matagal ang icon na capture para mag-record ng video.
May opsyon kang maglagay ng copy ng post at lokasyon.
I-tap ang I-post kapag handa ka nang mag-post, o i-tap ang Idagdag sa thread para ikonekta ito sa huli mong post at pagkatapos ay pindutin ang Idagdag para ibahagi ito.
Step 2
Pagdaragdag ng video sa isang post. Puwede mong i-tap ang icon na I-post para kumuha o mag-upload ng video para idagdag ang opinyon mo.
Sa ibaba ng kahon para sa pagsusulat ng post, makakakita ka ng mga opsyon para sa mabilis na pagpili para magdagdag ng bagong video. Lalabas bilang mga thumbnail preview ang mga pinakabago mong video mula sa gallery mo para sa mabilis na access.
I-tap ang icon na camera para kumuha ng video.
Puwede mong i-trim ang haba ng video mo sa pamamagitan ng pag-drag sa magkabilang dulo ng bar sa ibaba. Ang maximum na haba ng video ay 2 minuto at 20 segundo.
I-tap ang I-trim para tapusin ang mga pag-edit mo. Puwede mong i-preview ang video mo sa pamamagitan ng pag-tap sa button na i-play bago ito i-post, at magsagawa ng mga karagdagang pag-edit sa video mo bago magbahagi.
I-tap ang I-post para mag-post.
Tandaan: Para alisin ang video bago mag-post, i-tap ang X sa thumbnail ng video.
Step 1
Para mabilis na magbahagi ng video sa sandaling ito, i-tap ang icon na camera mula sa menu sa itaas o mag-swipe pakaliwa mula sa timeline.
I-tap nang matagal ang icon sa capture para mag-record ng video.
May opsyon kang maglagay ng text at lokasyon.
I-tap ang I-post kapag handa ka nang mag-post, o i-tap ang Idagdag sa thread para ikonekta ito sa huli mong post at pagkatapos ay pindutin ang Idagdag para ibahagi ito.
Step 2
Pagdaragdag ng video sa isang post. Puwede mong i-tap ang icon na I-post para kumuha o mag-upload ng video para idagdag ang opinyon mo.
Sa ibaba ng kahon para sa pagsusulat ng post, makakakita ka ng mga opsyon para sa mabilis na pagpili para magdagdag ng bagong video. Lalabas bilang mga thumbnail preview ang mga pinakabago mong video mula sa iyong gallery para sa mabilis na access.
I-tap ang icon na camera para kumuha ng video.
Puwede mong i-trim ang haba ng video mo sa pamamagitan ng pag-drag sa magkabilang dulo ng bar sa ibaba. Ang maximum na haba ng video ay 2 minuto at 20 segundo.
I-tap ang I-trim para tapusin ang mga pag-edit mo. Puwede mong i-preview ang video mo sa pamamagitan ng pag-tap sa button na i-play bago ito i-post, at magsagawa ng mga karagdagang pag-edit sa video mo bago magbahagi.
I-tap ang I-post para tapusin ito.
Tandaan: Para alisin ang video bago mag-post, i-tap ang X sa thumbnail ng video.
Tandaan: Puwede mo ring i-adjust ang mga setting mo ng autoplay mula sa seksyong Accessibility ng Mga setting at privacy mo.
Para mag-upload at mag-post ng video sa pamamagitan ng web
Gamitin ang box para sa pagsusulat, o i-click ang button na mag-post.
I-click ang button na gallery .
Pumili ng video file na naka-store sa computer mo at i-click ang Buksan. Aabisuhan ka kapag hindi suportado ang format ng video. 512MB ang maximum na laki ng file para sa postVideo, pero puwede kang mag-upload ng video na mas matagal sa 2 minuto at 20 segundo, at puwede mo itong i-trim bago ilagay ang video sa isang post.
Kumpletuhin ang mensahe mo at i-click ang i-post para ibahagi ang post at video mo.
Mga timestamp ng video
Ang timestamp ay isang paraan para mag-link sa isang partikular na sandali sa video mo. Ang mga timestamp ay isang magandang paraan para magbigay ng higit pang konteksto tungkol sa video mo at gawing mas organisado at user-friendly ang content mo.
Paano ko gagamitin ang mga timestamp?
Kapag nagpo-post ka ng isang video, puwede kang maglagay ng mga timestamp para magbigay ng higit pang konteksto tungkol sa video mo, tulungan ang mga viewer na mag-navigate sa video mo, at hayaan silang madaling mapanood ulit ang iba't ibang bahagi ng video.
Puwedeng ilagay ang mga timestamp kahit saan sa isang post na may video.
Habang gumagawa ng isang post na may video, awtomatikong magiging clickable ang isang timestamp sa iOS kapag nag-post ka kung binanggit mo ang isang partikular na oras sa video sa alinman sa mga sumusunod na format:
x:xx
xx:xx
x:xx:xx
xx:xx:xx
Kapag nag-tap ng isang timestamp sa isang post, magbubukas ang video player at magsisimulang mag-play sa partikular na oras na iyon sa video.
Ilang bagay na dapat tandaan:
Makikita lang ang mga clickable timestamp sa mga post na may kalakip na 1 video. Hindi magiging clickable ang mga ito sa mga post na walang video, sa mga post na maraming video, o sa isang post na may kalakip na isang video at isang larawan, atbp.
Puwede kang mag-post ng mga timestamp mula sa iOS, Android, at Web pero sa ngayon, clickable lang ang mga timestamp sa iOS. Paparating na ang sa Android at Web.
Ang maximum na dami ng mga timestamp na puwede mong ilagay sa isang post ay 50.
Panonood ng mga video sa X
Sa mga timeline, Mga Sandali, tab na Mag-explore, at sa buong X, awtomatikong magpe-play ang mga native video at GIF.
Paano ko ititigil ang pag-autoplay ng mga video?
Puwede mong itigil ang pag-autoplay ng mga video sa timeline mo, Mga Sandali, at sa tab na Mag-explore sa pamamagitan ng pagbabago sa setting ng pag-autoplay ng video. Puwede mong magkahiwalay na i-adjust ang mga setting para sa pag-autoplay ng video sa X.com at sa X app mo (halimbawa, puwede mong i-set na mag-autoplay ang mga video sa iOS device mo pero hindi sa web).
Para i-adjust ang pag-autoplay sa X para sa iOS app mo:
Pumunta sa Mga setting at privacy mo.
Sa ilalim ng seksyong Accessibility, display, at mga wika, i-tap ang Paggamit ng data.
I-tap ang Pag-autoplay ng video.
Puwede kang pumili mula sa mga sumusunod na opsyon:
Sa cellular o Wi-Fi, Sa Wi-Fi lang, at Hindi Kailanman.
Para i-adjust ang pag-autoplay sa X para sa Android app mo:
Pumunta sa Mga setting at privacy mo.
Sa ilalim ng seksyong Accessibility, display, at mga wika, i-tap ang Paggamit ng data.
I-tap ang Pag-autoplay ng video.
Puwede kang pumili mula sa mga sumusunod na opsyon: Mobile data at Wi-Fi, Wi-Fi lang, at Hindi Kailanman.
Para i-adjust ang pag-autoplay sa X.com:
Mula sa pangunahing menu, i-click ang Higit pa, pagkatapos ay piliin ang Mga setting at privacy.
Sa ilalim ng Accessibility, display, at mga wika, i-click ang Paggamit ng data.
Mag-click sa Autoplay, pagkatapos ay pumili sa pagitan ng Sa cellular o Wi-Fi o Hindi Kailanman.
Mga closed caption at subtitle
Paano tumingin ng mga closed caption sa isang video:
I-on ang opsyon sa mga caption sa mga setting ng accessibility ng device mo. Sa iOS, may label ito na Closed Captions. Sa Android, may label ito na Captions.
Paano makikita ang mga subtitle: I-off ang tunog ng device mo. Para makita ng mga subtitle sa web, i-tap ang “CC” slider sa isang video.
Tandaan: Hindi lahat ng video ay may mga available na caption o subtitle. Sa iOS at Android, awtomatikong ipinapakita ang mga caption kapag pinanood ang mga video sa timeline mo. Para makita ang mga caption sa full screen, i-enable ang mga caption sa antas ng system.
Puwede kang manood ng mga live video mula sa Mga Sandali, tab na Mag-explore, mga trend, o mga post mula sa isang account na nag-live.
Puwede ka ring manood ng live programming mula sa X sa Amazon Fire TV at Apple TV. Puwedeng ma-enjoy ng mga user ng Xbox at Android TV ang X sa pamamagitan ng pagbubukas ng kanilang web browser at pagpunta sa X.com.
Kapag nanonood ng live video o replay, puwede mong ibahagi ang broadcast sa pamamagitan ng post, Direktang Mensahe, o pagkopya sa link. May opsyon kang ibahagi ang buong broadcast o ang broadcast simula sa partikular na puntong gusto mo.
Paano magbahagi ng live broadcast o replay:
Mula sa full screen mode ng live video o replay, i-click o i-tap ang icon na ibahagi
I-click o i-tap ang Ibahagi ang Live (kapag naka-live) o Ibahagi Mula sa Simula (kapag nasa replay mode) para i-post, ipadala bilang Direktang Mensahe, o kopyahin ang link ng buong live video o replay mula sa simula.
I-click o i-tap ang Ibahagi mula sa… para i-post, ipadala bilang Direktang Mensahe, o kopyahin ang link ng live video o replay simula sa puntong pinili mo gamit ang selection bar.
Puwede kang makaranas ng mga isyu habang nanonood ng mga live video. Sa pangkalahatan, inirerekomenda ang panonood kapag may malakas na koneksyon sa network, at/o paggamit ng ibang network o browser. Puwede ring makatulong ang pagsasara at pagbubukas ulit sa app o browser. Para sa pinakamagagandang resulta, gumamit ng updated na bersyon ng app o browser. Kung patuloy ka pa ring magkakaproblema sa live video, ipaalam ito sa amin.
Lumaktaw paabante o pabalik
Habang nanonood ng video, puwede mong i-double tap ang screen mo para mabilis na makabalik o makaabante.
Paano lumaktaw sa isang video:
Para umabante nang 5 segundo, i-double tap ang gilid na kanang bahagi ng video screen.
Para bumalik nang 5 segundo, i-double tap ang gilid na kaliwang bahagi ng video screen.
Kapag nag-double tap ka para lumaktaw, puwede kang magpatuloy sa naturang direksyon sa isang tap.
Sa kasalukuyan, sa full-screen lang posible ang paglaktaw paabante at pabalik habang nanonood ng mga video.
Tandaan: Nakadepende ang Premium Live Content Streaming at ang Embedded Live Video Widget sa cookies mula sa ibang domain ng X.com na tinatawag na twimg.com para gawin ang dalawang bagay: pangasiwaan ang Live Video Experience at maghatid ng ads. Kung naka-disable ang cookies ng third-party sa browser mo, hindi gagana ang Live Video Experience at hindi rin ito makakapaghatid ng ads para suportahan ang karanasan. Magagamit ng mga user ng Safari ang Premium Live Content Streaming o ang Embedded Live Video Widget nang hindi pinapalitan ang mga setting ng kanilang browser sa pamamagitan ng pag-click sa button na "allow" kapag hiniling. Papayagan kami nito na makapag-set ng cookie para sa twimg.com na tutulong sa aming pangasiwaan ang Live Video Experience at maghatid ng ads. Kung ibang browser ang gamit mo, kumonsulta sa seksyon ng tulong ng browser mo para sa impormasyon kung paano papayagan ang cookies ng third party.
Mga push notification para sa mga live video
Kung may account na ayaw mong mapalampas ang live video, puwede kang mag-opt in na makatanggap ng mga push notification kapag nag-live sila. Madali lang mag-set up ng mga abiso mula mismo sa page ng profile ng account.
Step 1
Mula sa profile ng account, i-tap ang icon na abiso
Step 2
Mula sa pop-up na mensahe, pindutin ang Mga post lang na may live video.
Step 3
Para kanselahin ang mga push notification ng live video, i-tap ang icon na naka-highlight na abiso mula sa profile ng account at pindutin ang Wala.
Kung may account na ayaw mong mapalampas ang live video, puwede kang mag-opt in na makatanggap ng mga push notification kapag nag-live sila. Madali lang mag-set up ng mga abiso mula mismo sa page ng profile ng account.
Step 1
Mula sa profile ng account, i-tap ang icon na abiso
Step 2
Lagyan ng check ang kahon sa tabi ng Mga abiso ng account.
Step 3
Mula sa pop-up na mensahe, pindutin ang Live na video lang.
Step 4
Para kanselahin ang mga push notification ng live video, i-tap ang icon na naka-highlight na abiso mula sa profile ng account at pindutin ang Wala.
Mga Pag-download ng Video sa X
Puwedeng mag-download ng mga video ang mga subscriber ng Premium mula sa ilang partikular na post para mapanood nang offlin, o para maging malikhain at i-remix ang mga video na ito para gumawa ng bagong content.
Pero, mahalagang tandaan ang ilang bagay:
Kontrol Mo: Simula sa Hulyo 25, 2023, magiging downloadable sa mga subscriber ng Premium ang mga video na in-upload mo sa X, maliban kung mag-opt out ka sa pamamagitan ng pag-disable sa opsyon na Payagan ang video na ma-download sa video mo habang binubuo ang post. (Tandaan: Hindi downloadable ang mga video na na-post bago ang Hulyo 25, 2023.)
Mga Limitasyon sa Edad: Kung wala pang 18 taong gulang ang may-ari ng account mo, awtomatikong ise-set sa OFF ang setting sa pag-download ng video mo at hindi mo mapapalitan ang setting na ito.
Pagbabahagi ng Third-Party: Tandaan na kahit hindi direktang maibabahagi ng mga user ng X ang mga video mo sa mga third-party platform kapag naka-disable ang mga pag-download, puwede nilang ibahagi ang link sa post mo.
Mga Setting ng Privacy: Kung gusto mong magkaroon ng higit pang control sa kung sino ang makakakita ng mga post mo at makakapanood ng mga video mo, matuto kung paano papalitan ang mga setting ng privacy mo. Mabibigyan ka nito ng dagdag na kontrol sa content mo at sa kung sino ang may access dito.
Paano mag-download ng video
Pumunta sa video na gusto mong i-download
I-tap ang icon na tatlong tuldok sa kanang sulok sa itaas
I-tap ang I-download ang video
Paano mag-opt out sa pagiging downloadable ng video ko
Habang gumagawa ng post, pagkatapos mag-upload ng video sa post mo, i-tap ang I-edit sa kanang sulok sa ibaba ng video mo.
I-tap ang Mga Setting
I-tap ang katabi ng Payagang ma-download ang video para i-on o i-off ito. (Tandaan: hindi na puwedeng palitan ang setting na ito sa ibang pagkakataon; para i-disable ang mga pag-download sa hinaharap, kakailanganin mong i-delete ang mismong post.)
Mga madalas itanong
Protektado ang mga post ko. Protektado rin ba ang mga video ko?
Kung protektado ang mga post mo, mga follower mo lang ang makakapanood ng mga video mo sa mga post mo. Pakitandaan na posibleng i-download o i-reshare ng mga follower mo ang mga link sa mga video na ibinahagi mo sa mga protektadong post. Hindi protektado ang mga link sa mga video na ibinahagi sa X. Makikita ang content ng sinumang may link. Kung ayaw mong may makakita ng mga video mo sa X, iminumungkahi namin na i-delete mo ang mga post na naglalaman ng mga video na iyon.
Kasama ba ang mga video sa limitasyon sa bilang ng character sa isang post?
Hindi, hindi kasama ang mga video sa limitasyon sa bilang ng character sa isang post.
Awtomatiko bang naglu-loop ang mga video sa X?
Awtomatikong naglu-loop ang lahat ng video na naka-post sa X na may habang 60 segundo pababa.
Puwede ka bang mag-dock ng video sa X?
Puwede kang mag-dock ng pre-recorded na video o broadcast mula sa X para sa iOS mo at X para sa Android app mo. Sa pag-dock ng video, mas madaling manood habang patuloy na gumagamit ng X—gaya ng pag-scroll sa timeline mo o pagpapadala ng Direktang Mensahe.
Paano mag-dock at mag-undock ng video (iOS at Android):
Para mag-dock ng video, i-tap lang ang icon na pag-dock sa kanang sulok sa itaas ng video na nasa full-screen mode.
Para bumalik sa full-screen view mula sa isang naka-dock na video, i-tap ang video.
Para mag-dismiss ng naka-dock na video, gamitin ang daliri mo para i-slide ang naka-dock na video papunta sa gilid ng screen mo hanggang sa mawala ito. Puwede ka ring mag-tap ng ibang video para awtomatikong mawala ang kasalukuyang naka-dock na video.
Ano ang mga limitasyon sa mga resolution at aspect ratio ng video na puwedeng i-upload sa web?
Minimum na resolution: 32 x 32
Maximum na resolution: 1920 x 1200 (at 1200 x 1900)
Mga aspect ratio: 1:2.39 - 2.39:1 na range (inclusive)
Maximum na frame rate: 40 fps
Maximum na bitrate: 25 Mbps
Puwede ba akong mag-tag ng mga larawan sa isang video?
Hindi ka puwedeng mag-tag ng mga tao sa isang video, pero available ang pag-tag sa mga larawan. Matuto pa tungkol sa pag-tag sa larawan.
Paano ako magde-delete ng video (pagkatapos mag-post)?
Puwede kang mag-delete ng video sa paraang katulad ng pag-delete ng larawan sa pamamagitan ng pag-delete sa mismong post.
Puwede ba akong magpadala ng mga video sa pamamagitan ng Direktang Mensahe?
Oo, puwede kang magpadala ng mga video at GIF sa pamamagitan ng Mga Direktang Mensahe.
Ibahagi ang article na ito
Did someone say … cookies?
X and its partners use cookies to provide you with a better, safer and
faster service and to support our business. Some cookies are necessary to use
our services, improve our services, and make sure they work properly.
Show more about your choices.