Ang Mga Patakaran sa X
Layunin ng X na magbigay ng serbisyo para sa pampublikong usapan. Ang karahasan, pangha-harass, at iba pang katulad na uri ng gawi ay nakakahadlang sa mga taong ipahayag ang kanilang mga sarili, at sa huli ay pinapababa nito ang saysay ng pampublikong usapan sa buong mundo. Tinitiyak ng aming mga patakaran na makakalahok ang lahat ng tao sa pampublikong usapan sa malaya at ligtas na paraan.
Kaligtasan
Marahas na Pananalita: Hindi ka puwedeng magbanta, mag-udyok, mamuri, o magpahayag ng kagustuhang manakit o magkaroon ng karahasan. Matuto pa.
Mga Marahas at Mapaminsalang Entity: Hindi ka puwedeng mag-affiliate sa o mag-promote ng mga aktibidad ng mga marahas at mapoot na entity. Matuto pa.
Pang-aabusong Sekswal sa Bata: Hindi namin pinapalampas ang pang-aabusong sekswal sa bata sa X. Matuto pa.
Pang-aabuso/pangha-harass: Hindi ka maaaring makisali sa isang gawaing pinagkakaisahang i-harass ang isang tao, o kaya ay humikayat sa iba na makisali. Matuto pa.
Mapoot na gawi: Hindi ka maaaring mang-atake ng ibang tao batay sa lahi, etnisidad, bansang pinagmulan, caste, sekswal na oryentasyon, kasarian, kinikilalang kasarian, kinabibilangang relihiyon, edad, kapansanan, o malubhang sakit. Matuto pa.
Mga Nagsasagawa ng Mararahas na Pag-atake: Aalisin namin ang anumang account na pinapanatili ng mga indibidwal na nagsasagawa ng mga pag-atake ng terorista, mararahas na extremist, o mararahas na pag-atake sa masa, at posible ring alisin ang mga post na nagpapakalat ng mga manifesto o iba pang content na ginawa ng mga gumagawa ng masama. Matuto pa.
Pagpapakamatay: Hindi ka puwedeng mag-promote o manghikayat ng pagpapakamatay o pananakit sa sarili. Matuto pa.
Sensitibong media: Hindi ka maaaring mag-post ng media na masyadong madugo o magbahagi ng marahas o pang-adult na content sa live na video o sa mga larawan sa profile o header. Hindi rin pinapayagan ang media na nagpapakita ng sekswal na karahasan at/o pananakit. Matuto pa.
Mga Ilegal o Ilang Partikular na Kinokontrol na Produkto o Serbisyo Hindi mo maaaring gamitin ang aming serbisyo para sa anumang layuning labag sa batas o para sa pagtataguyod ng mga ilegal na aktibidad. Kabilang dito ang pagbebenta o pagbili ng mga ilegal na produkto o serbisyo, pati na ng ilang partikular na uri ng mga pinaghihigpitang produkto o serbisyo, o pangangasiwa sa mga transaksyong may kinalaman sa mga ito. Matuto pa.
Pagkapribado
Pribadong Impormasyon: Hindi ka maaaring mag-publish o mag-post ng pribadong impormasyon ng iba (gaya ng numero ng telepono sa bahay at address) nang wala ang kanilang ipinahayag na pahintulot at permiso. Ipinagbabawal din namin ang pagbabanta ng pagbubunyag ng pribadong impormasyon o pagbibigay ng insentibo sa iba para gawin ito. Matuto pa.
Walang Pahintulot na Paghuhubad: Hindi ka maaaring mag-post o magbahagi ng maseselang larawan o video ng isang tao na ginawa o ipinamahagi nang wala ang kanilang pahintulot. Matuto pa.
Pagkakompromiso ng Account: Hindi ka maaaring gumamit o magtangkang gumamit ng mga detalye sa pag-log in, password, token, key, cookie, o iba pang data para mag-log in o para i-access, dagdagan, i-delete, o baguhin ang pribadong impormasyon o mga feature ng account ng anumang X account maliban sa account mo (o mga account kung saan may direkta kang pahintulot na gawin ang mga ito sa pamamagitan ng Teams authorization o OAuth authorization ng X, o katulad na mekanismo). Matuto pa.
Pagiging Totoo
Pagmamanipula at Pag-spam sa Platform: Hindi mo maaaring gamitin ang mga serbisyo ng X sa paraang artipisyal na makakapagpakalat o makakapigil ng impormasyon o kaya ay gumawa ng mga bagay na makakapagmanipula o makakasagabal sa karanasan ng mga tao sa X. Matuto pa.
Pansibikong Integridad: Hindi mo maaaring gamitin ang mga serbisyo ng X para magmanipula o manghimasok sa eleksyon o iba pang pansibikong proseso. Kabilang dito ang pag-post o pagbabahagi ng content na maaaring makapigil sa paglahok o makapanlinlang sa mga tao tungkol sa kung kailan, saan, o paano lalahok sa isang pansibikong proseso. Matuto pa.
Mga Mapandaya at Mapanlinlang na Pagkakakilanlan: Hindi ka maaaring magpanggap bilang ibang indibidwal, grupo, o organisasyon para mandaya, manlito, o manlinlang ng iba, o gumamit ng pekeng pagkakakilanlan sa paraang gumagambala sa karanasan ng iba sa X. Matuto pa.
Synthetic at Minanipulang Media: Hindi ka maaaring magbahagi ng synthetic o minanipulang media sa mapanlinlang na paraan na posibleng makapagdulot ng kapahamakan. Bilang karagdagan, maaari kaming mag-label ng mga post na naglalaman ng synthetic at minanipulang media para tulungan ang mga taong maunawaan ang pagiging totoo ng mga ito at para makapagbigay ng karagdagang konteksto. Matuto pa.
Copyright at Trademark: Hindi ka maaaring lumabag sa mga karapatan sa intelektwal na pag-aari ng iba, kabilang ang copyright at trademark. Matuto pa tungkol sa aming patakaran sa trademark at patakaran sa copyright.
Pag-advertise ng third-party sa video content
Hindi ka maaaring magsumite, mag-post, o magpakita ng anumang video content sa o gamit ang aming mga serbisyo kung naglalaman ito ng pag-advertise ng third-party, gaya ng mga pre-roll na video ad o graphics ng sponsorship, nang wala ang pauna naming pahintulot.
Pagpapatupad at Mga Apela
Matuto pa tungkol sa aming paraan ng pagpapatupad, kabilang ang mga potensyal na kahihinatnan kung lalabag sa mga patakarang ito o tatangkaing iwasan ang pagpapatupad, pati na ang paraan ng pag-apela.