Paano gamitin ang X Lite sa Android

Ang X Lite app ay isang data at storage friendly na paraan para gamitin ang X sa isang smartphone. Ang mga pangunahing feature ng X Lite app ay ang mga sumusunod:

  • Mabilis mag-load sa mga 2G at 3G network. 
  • Pinapababa ang paggamit ng data — i-on ang mode na tipid sa data para i-download lang ang mga larawan o video na gusto mong makita.
  • Gumagamit ng mas kaunting espasyo — sa laki nitong 3MB kapag na-install, hindi gumagamit ng malaking espasyo ang X Lite sa iyong telepono.

Paunawan: Eksklusibong available ang X Lite sa Google Play Store* at kasalukuyan itong tumutugma sa mga device na sumusuporta sa mga Android na bersyon 5.0 pataas. Kung hindi mo ma-access ang Google Play Store, maaari mong gamitin ang mobile web na bersyon ng X sa mobile.twitter.com.


Paano bawasan ang paggamit mo ng data
 

Idinisenyo ang X Lite para bawasan ang dami ng data na nagagamit habang nasa X ka. Mababawasan mo ang dami ng data na nagagamit ng X sa pamamagitan ng pag-enable sa mode na tipid sa data. Kontrolin kung anong media ang gusto mong ma-download nang real time para makatulong sa pagtitipid ng data. 

  • I-tap ang iyong larawan sa profile para i-access ang dash na menu.
  • I-tap ang toggle sa tabi ng Tipid sa data para i-on ito.
     

Sa mode na ito, ipapakita ang mga larawan bilang preview, at ilo-load lang ang malalaking larawan kapag hiniling mo. Maaari kang tumingin ng mga larawan sa pamamagitan ng pag-tap sa I-load ang larawan sa X Lite.

 

Para mag-log in o mag-sign up

Para magsimula, buksan ang X Lite app kapag na-download na ito.

Para mag-log in:

  1. I-tap ang Mag-log in.
  2. Ilagay ang iyong username, numero ng telepono, o email address.
  3. Ilagay ang iyong password.
  4. I-tap ang Mag-log in.
     

Para mag-sign up para sa isang bagong account:

  1. I-tap ang Mag-sign up.
  2. Ilagay ang buo mong pangalan at ang numero ng iyong telepono. Kung mas gusto mong gamitin ang iyong email address, i-tap ang Gamitin na lang ang email
  3. I-tap ang Mag-sign up
  4. Maglagay ng password at i-tap ang Susunod.
  5. Kung pinili mong mag-sign up gamit ang isang email address, maaari naming hingin ang numero ng iyong telepono. Maaari mo itong ilagay o i-tap ang Huwag ngayon.
  6. Maglagay ng username (magmumungkahi kami ng ilang available na opsyon, pagkatapos ay i-tap ang Susunod.
  7. Tutulungan ka naming magsimula sa pamamagitan ng pagmumungkahi ng mga kategorya ng interes at account sa mga kategoryang iyon.
  8. Kung gumagamit ka ng Android device, maaari kang makatanggap ng mga push notification. I-tap ang I-on ang mga abiso para makatanggap ng mga push notification.
  9. Kapag handa ka nang puntahan ang iyong timeline, i-tap ang Tapos na.


Para mag-post ng post
 

  1. I-tap ang icon na sumulat ng post  na makikita sa timeline ng iyong Home, tab ng paghahanap, tap ng Mga Abiso, o mga profile.
  2. Magsimulang mag-type kung saan may nakasulat na Ano'ng nangyayari? 
  3. Kung gusto mong mag-post ng larawan, i-tap ang icon na larawan  Maaari kang magdagdag ng hanggang apat na larawan sa iyong post.
  4. I-tap ang I-post para i-post.
     

Tandaan: Matutunan kung paano gumawa ng thread na may maraming post.

Para humanap ng mga account at sundan ang mga ito
 

Para humanap ng account:

  1. I-tap ang icon ng paghahanap 
  2. I-type ang pangalan o username ng account na hinahanap mo. 
  3. Lalabas ang isang listahan ng mga iminumungkahing account at trend kapag nagsimula kang mag-type.
     

Para sundan ang isang account:

  1. Puntahan ang profile ng account at i-tap ang Sundan
  2. Kung makakita ka ng post mula sa isang account at napagpasyahan mong gusto mo siyang sundan, i-tap ang post para palawakin ito at pagkatapos ay i-tap ang icon na sundan 
     

Paano mag-bookmark ng Mga post 
 

Gamitin ang feature na Mga Bookmark para i-bookmark ang iyong Mga post na gusto mong balikan sa ibang pagkakataon:

  1. I-tap ang icon na ibahagi.
  2. Piliin ang Idagdag sa Mga Bookmark para i-save ang post at matingnan sa ibang pagkakataon.

Para i-access ang iyong Mga Bookmark:

  1. I-tap ang iyong larawan sa profile sa kaliwang sulok sa itaas para i-access ang opsyong Mga Bookmark sa menu.
     

Timeline ng Home

  1. I-tap ang icon na home  para puntahan ang timeline ng Home mo.
  2. Kabilang sa timeline ng Home mo ang mga pinakabagong post mula sa mga account na iyong sinusundan.
  3. Kung may kulay asul na tuldok sa tabi ng tab na Home, may mga bagong post na naghihintay na lumabas sa iyong timeline. Hilain pababa ang iyong timeline para i-load ang mga bagong post na ito.
  4. Mula sa timeline ng Home, maaari kang mag-tap sa isang indibidwal na post para makita ang mga detalye ng post. Mula rito, magagawa mong tumugon, mag-repost, I-quote ang post, o i-like ang post.
  5. Kung gusto mong mag-navigate pabalik sa timeline ng Home, i-tap ang icon na bumalik 
     

Mga Abiso
 

Sa tab na Mga Abiso, makikita mo kung paano nakikipag-ugnayan sa iyo ang iba sa X.

  1. I-tap ang icon na Mga Abiso  para puntahan ang timeline ng Mga Abiso mo.
  2. Ipinapakita sa iyo ng timeline ng Mga Abiso mo kung alin sa mga post mo ang na-like, pati na ang mga pinakabagong Repost (ng mga post mo), mga post na nakadirekta sa iyo (mga tugon at pagbanggit), at mga bago mong tagasunod.
     

Profile at mga setting
 

Para i-access ang iyong profile at mga setting, i-tap ang iyong larawan sa profile. Sa menu, maaari mong:

  • I-tap ang Profile para puntahan ang iyong profile.
  • Para i-edit ang iyong profile, i-tap ang Profile at pagkatapos ay I-edit ang profile. Mula rito, maaari mong i-edit ang iyong larawan sa profile, buong pangalan, URL, lokasyon, at bio.
  • I-tap ang Profile para makita ang iyong mga listahan ng Sinusundan at Tagasunod, pati na ang mga na-post mong Media at ang iyong Mga Like.
  • Para i-edit ang iyong mga setting, i-tap ang iyong larawan sa profile, pagkatapos ay Mga setting at privacy. Mula rito, mae-edit mo ang iyong:
  • Mga setting ng account, na kinabibilangan ng:
    • Username
    • Telepono
    • Email
    • Password
    • Seguridad
    • Data at pahintulot, kung saan mo masusuri ang Iyong data sa X at Mga nakakonektang application
  • Mga setting ng privacy at kaligtasan
  • Mga setting ng Mga Abiso
  • Mga kagustuhan sa content
  • Mga Pangkalahatang setting, kabilang ang Paggamit ng data
     

Paano i-enable ang dark mode
 

  1. Sa menu sa itaas, i-tap ang icon ng iyong profile.
  2. I-tap ang Display.
  3. Sa Background, piliin ang Dim o Lights out sa pamamagitan ng pag-tap sa iyong preference. 
  4. Par i-off ang feature, piliin ang Default.
     

Mga Direktang Mensahe

Basahin ang tungkol sa Mga Direktang Mensahe at ang aming Mga FAQ Tungkol sa Direktang Mensahe para sa higit pang impormasyon. Paunawa: Hindi sinusuportahan ng X Lite ang mga paunang tinukoy na Direktang Mensahe (hal. mula sa mga profile ng negosyo). 

*Ang X Lite app ay available sa mga sumusunod na bansa: Albania, Angola, Antigua and Barbuda, Armenia, Aruba, Austria, Azerbaijan, Bahamas, Bahrain, Belize, Benin, Bosnia and Herzegovina, Botswana, Bulgaria, Burkina Faso, Cambodia, Cameroon, Cape Verde, Côte d’Ivoire, Croatia, Cyprus, Czech Republic, Fiji, Finland, Gabon, Germany, Greece, Guinea-Bissau, Haiti, Hungary, Ireland, Italy, Jamaica, Kuwait, Kyrgyzstan, Laos, Latvia, Liechtenstein, Luxembourg, Macedonia (FYROM), Mali, Malta, Mauritius, Moldova, Mozambique, Myanmar (Burma), Namibia, Niger, Oman, Pakistan, Papua New Guinea, Poland, Qatar, Russia, Rwanda, Saudi Arabia, Senegal, Slovakia, Slovenia, Sri Lanka, Sweden, Switzerland, Tajikistan, Togo, Trinidad and Tobago, Turkmenistan, United Arab Emirates, United Kingdom, Uzbekistan, Vietnam, at Zambia.

I-share ang artikulong ito