Pumunta sa twitter.com/signup.
I-click button na mag-sign up.
May lalabas na pop up box na Gawin ang iyong account, at gagabayan ka sa aming karanasan sa pag-sign up. Ipo-prompt ka na maglagay ng impormasyon gaya ng iyong pangalan at numero ng telepono o email address.
Kung nagbigay ka ng email address habang nagsa-sign up, agad kaming magpapadala sa iyo ng email na may mga tagubilin para ma-verify namin ang iyong email address.
Kung nagbigay ka ng numero ng telepono habang nagsa-sign up, agad kaming magpapadala ng text message sa iyo na may code para ma-verify namin ang numero mo.
Pagkatapos ilagay ang iyong impormasyon, i-click ang Susunod.
Sa pop up box na I-customize ang iyong karanasan, lagyan ng check kung gusto mong i-track kung saan ka nakakakita ng Twitter content sa web at i-click ang Susunod.
Matutunan kung paano i-customize ang mga setting para sa iyong bagong account.