Patakaran sa Pagpapakamatay at Pananakit sa Sarili
Pangkalahatang-ideya
Hindi ka puwedeng mag-promote o manghimok ng pagpapakamatay o pananakit sa sarili.
Sa Twitter, kinikilala namin na ang pagpapakamatay at pananakit sa sarili ay malaking hamon sa lipunan at sa pampublikong kalusugan na nangangailangan ng pagtutulungan ng lahat ng apektado – pampublikong sektor, pribadong sektor, at mga samahang sibil – at may tungkulin at responsibilidad tayo na tulungan ang mga tao na makapag-access at makatanggap ng suporta kapag kailangan nila.
Habang binubuo ang patakarang ito, kumonsulta kami nang malaliman sa mga eksperto para matiyak na makakapagbahagi ng mga personal nilang karanasan ang mga taong sinasaktan ang sarili o nakakaisip na magpakamatay. Kinilala rin namin ang pangangailangang maprotektahan ang mga tao sa posibleng panganib na dulot ng pagkaka-expose sa content na maaaring nagpo-promote o humihikayat ng pananakit sa sarili – sinasadya man o hindi. Kaya naman ipinagbabawal ng aming patakaran ang mga content na nagpo-promote o humihikayat ng mga gawi para saktan ang sarili at nagbibigay kami ng suporta sa mga nananakit sa sarili o nakakaisip na magpakamatay.
Ano ang labag sa patakarang ito?
Sa patakarang ito, hindi ka puwedeng mag-promote o humikayat ng pagpapakamatay o pananakit sa sarili. Kabilang sa pag-promote at paghikayat ang mga pahayag gaya ng “pinakaepektibo,” “pinakamabilis,” “pinakamaganda,” “pinakamatagumpay,” “gawin mo na”, “bakit hindi.” Ang mga paglabag sa patakarang ito ay puwedeng lumabas sa mga Tweet, larawan o video, kabilang ang live na video.
Itinuturing namin ang pagpapakamatay bilang pagkitil sa sariling buhay. Itinuturing naming kabilang sa pananakit sa sarili ang mga sumusunod:
mga pisikal na pananakit sa sarili, hal., paglaslas; at
mga problema sa pagkain, hal., bulimia, anorexia.
Kabilang sa mga paglabag sa patakarang ito ang, pero hindi limitado sa:
paghikayat sa isang tao na pisikal na saktan o patayin ang sarili;
paghingi ng suporta na saktan ang sarili o magpakamatay, gaya ng paghahanap ng mga partner para sa mga panggrupong pagpapakamatay o mga laro sa pagpapakamatay; at
- pagbabahagi ng mga impormasyon, diskarte, paraan, o tagubiling tutulong sa mga tao na saktan ang sarili o magpakamatay.
Ano ang hindi labag sa patakarang ito?
Kabilang sa mga halimbawa ng mga gawi na hindi itinuturing na paglabag ang mga sumusunod:
pagbabahagi ng mga personal na kuwento at karanasang nauugnay sa pananakit sa sarili o pagpapakamatay;
pagbabahagi ng mga paraan ng pag-angkop at mga resource para solusyunan ang pananakit sa sarili o pag-iisip na magpakamatay; at
mga talakayang nakatuon sa pananaliksik, adbokasiya, at edukasyong nauugnay sa pagpigil sa pananakit sa sarili at pagpapakamatay.
Tandaan: puwedeng ibahagi ng mga tao ang mga personal nilang karanasan, pero kailangan nilang iwasan ang detalyadong pagbabahagi ng mga partikular na diskarte o paraang nauugnay sa pananakit sa sarili, dahil posibleng mahikayat nito ang ganitong gawi nang hindi sinasadya.
Sino ang puwedeng mag-ulat ng mga paglabag sa patakarang ito?
Puwedeng mag-ulat ang sinuman ng content na maaaring humihikayat o nagpo-promote ng pagpapakamatay o pananakit sa sarili gamit ang aming in-app na pag-uulat o sa aming partikular na form sa pag-uulat. Ipinapadala ang mga ulat na ito sa isang nakalaang team na isa-isang susuriin ang bawat kaso.
Tandaan: kung makakatanggap kami ng ulat na may isang tao na nagpahayag ng kagustuhang saktan ang sarili o magpakamatay, direkta namin siyang kakausapin, hihikayatin namin siyang humingi ng suporta, at magbibigay kami ng impormasyon tungkol sa mga nakalaang online at hotline na resource. Puwede rin kaming makipagtulungan sa mga tagapagpatupad ng batas kung kailangan, halimbawa, kung makakatanggap kami ng valid na kahilingan sa pagsisiwalat dahil sa emergency alinsunod sa nakasaad sa Mga Alituntunin sa Mga Tagapagpatupad ng Batas.
Paano mag-ulat ng mga paglabag sa patakarang ito
Para matiyak na mapapangasiwaan namin ang mga ulat sa sensitibong paraan, nagbibigay ang aming in-app na pag-uulat ng mga hiwalay na opsyon para sa mga taong posibleng nagpapahayag ng intensyong saktan ang sarili, at content na humihikayat o nagpo-promote ng pananakit sa sarili o pagpapakamatay.
Pagpapahayag ng mga intensyong saktan ang sarili o magpakamatay
In-App
Puwede kang mag-ulat ng content nang in-app para ipasuri ito:
- Piliin ang Iulat ang Tweet mula sa drop-down menu
- Piliin ang “Nagpapahayag ito ng mga intensyong saktan ang sarili o magpakamatay”
- Isumite ang iyong ulat
Desktop
Puwede mong iulat ang content na ito gamit ang desktop para ipasuri ito:
Piliin ang Iulat ang Tweet mula sa drop-down menu
Piliin ang “Nagpapahayag ito ng mga intensyong saktan ang sarili o magpakamatay”
Isumite ang iyong ulat
Form sa pag-uulat
Puwede mo ring iulat ang content na ito sa pamamagitan ng nakalaan naming form sa pag-uulat para ipasuri ito.
In-App
Puwede kang mag-ulat ng content nang in-app para ipasuri ito:
- Piliin ang Iulat ang Tweet mula sa drop-down menu
- Piliin ang “Nagpapahayag ito ng mga intensyong saktan ang sarili o magpakamatay”
- Isumite ang iyong ulat
Paghihikayat na saktan ang sarili o magpakamatay
In-App
Puwede kang mag-ulat ng content nang in-app para ipasuri ito:
Piliin ang Iulat ang Tweet mula sa drop-down menu
Piliin ang “Mapang-abuso o nakakapinsala ito”
Piliin ang “Nanghihikayat ang mga ito ng pananakit sa sarili o pagpapakamatay”
Isumite ang iyong ulat
Desktop
Puwede mong iulat ang content na ito gamit ang desktop para ipasuri ito:
Piliin ang Iulat ang Tweet mula sa drop-down menu
Piliin ang “Mapang-abuso o nakakapinsala ito”
Piliin ang “Nanghihikayat ang mga ito ng pananakit sa sarili o pagpapakamatay”
Isumite ang iyong ulat
Ano ang mangyayari kapag nilabag mo ang patakarang ito?
Ang mga hakbang namin sa pagpapatupad ay nakadepende sa uri ng content na ibinabahagi, kung humihikayat ba o nagpo-promote ng pananakit sa sarili o pagpapakamatay ang iniulat na account, at ang nakaraang history ng mga paglabag ng account.
Kung lalabag ka sa patakarang ito sa pamamagitan ng pagbabahagi ng content na sinasadyang humikayat sa iba na saktan ang kanilang sarili, humihiling sa iba na suportahan kang saktan ang iyong sarili, o nagbabahagi ng mga detalyadong impormasyon o hakbang na nauugnay sa mga paraan ng pananakit sa sarili o pagpapakamatay, uutusan ka naming alisin ang content na ito. Pansamantala ka rin naming ila-lock out sa iyong account bago ka makapag-tweet ulit. Kung patuloy kang lalabag sa patakarang ito, o kung layunin ng iyong account na mag-promote o humikayat ng pananakit sa sarili o pagpapakamatay, permanenteng sususpindihin ang iyong account. Kung naglalaman ang mga kaso ng mga larawan o video na nauugnay sa pananakit sa sarili o pagpapakamatay, susuriin din namin ang content na ito sa ilalim ng aming patakaran sa sensitibong media. Kung sa tingin mo ay hindi dapat sinuspinde ang iyong account, puwede kang magsumite ng apela.
Puwede rin kaming magsagawa ng mga hakbang para pigilan ang pagkalat ng mga materyal sa pagtuturo na naka-host sa mga third-party na website sa pamamagitan ng pagmamarka sa mga naturang link bilang hindi ligtas.
Mga karagdagang resource
Matuto pa tungkol sa iba't iba naming opsyon sa pagpapatupad ng batas at ang paraan namin sa pagbuo at pagpapatupad ng patakaran.
Matuto pa tungkol sa kung paano mo masusuportahan ang isang taong nag-iisip na saktan ang sarili o magpakamatay.
Bisitahin ang aming Safety Center para sa isang listahan ng mga lokal na resource para sa kalusugan sa pag-iisip at basahin ang aming blog tungkol sa pagpigil sa pagpapakamatay para matuto pa tungkol sa aming gawain.